Nitrates - oral chewable
Unknown / Multiple | Nitrates - oral chewable (Medication)
Desc:
Ang mga tableta na ito ay dapat na nguyain nang lubusan at pagkatapos ay lunukin kasama ng isang basong tubig. Ang gamot na ito ay makakatulong upang mapalawak ang mga daluyan ng dugo upang mas mahusay na dumaloy ang dugo. Ginagamit ito upang gamutin at maiwasan ang pananakit ng dibdib (angina). Huwag durugin ang mga tableta bago ito nguyain. Ang gamot na ito ay hindi dapat gamitin kasama ng mga sumusunod na gamot dahil napakaseryoso (kasama ang posibleng nakamamatay) na mga epekto ay maaaring mangyari: mga gamot upang gamutin ang kawalan ng kakahayang bumuo ng bata (halimbawa: Sildenafil, vardenafil, tadalafil). ...
Side Effect:
Abisuhan ang iyong doktor kung nakakaranas ka ng: malabong paningin, tuyong bibig, pantal sa balat, pagduwal. Sa hindi malamang kaganapan na magkakaroon ka ng isang reaksiyong alerdyi sa gamot na ito, agad na humingi ng atensyong medikal . Pananakit ng ulo, pagkahilo, pamumula, mabilis na tibok ng puso o hindi mapakali ay maaaring maganap habang nag-aadjust ang iyong katawan sa gamot. Kung ang mga sintomas na ito ay patuloy na maranasan o maging nakakaabala, ipagbigay-alam sa iyong doktor. Upang maiwasan ang pagkahilo at pakiramdam ng pagkagaang ng ulo kapag tumatayo mula sa pagkakaupo o pagkahigang posisyon, bumangon ng dahan-dahan. Ang pananakit ng ulo ay madalas na isang palatandaan na gumagana ang gamot. ...
Precaution:
Ang gamot na ito ay dapat gamitin lamang sa panahon ng pagbubuntis kung talagang kinakailangan. Talakayin ang mga panganib at benepisyo sa iyong doktor. Hindi pa alam kung ang gamot na ito ay lumalabas sa gatas ng ina. Mag-ingat sa paggawa ng mga aktibidad na nangangailangan ng pagkaalerto o sa pagpapatakbo ng makinarya, kung ang gamot na ito ay nagpapahilo o nagpapa-antok sa iyo. Ang mga inuming nakalalasing ay maaaring dagdag sa peligro na mahimatay o makaranas ng pagkahilo. Sabihin sa iyong doktor ang iyong mga nakaraang kondisyong medikal, lalo na sa: mga problema sa puso, pinsala sa ulo o operasyon, glaucoma, kondisyon ng teroydeo (thyroid), anemia, paggamit ng alak/alkohol, mga alerdyi sa gamot. ...