Nitro - Bid


Sanofi-Aventis | Nitro - Bid (Medication)


Desc:

Ang Nitro-Bid / nitroglycerin ay ginawa para maiwasan ang angina pectoris (pagsakit ng dibdib) dahil sa coronary artery disease. Hindi sapat ang bilis ng epekto ng transdermal (pinapadaan sa balat) nitroglycerin upang maging kapaki-pakinabang sa pagsugpo sa isang matinding yugto ng angina pectoris (pagsakit ng dibdib). ...

Side Effect:

Ang mga di magandang reaksyon sa nitroglycerin ay karaniwang nauugnay sa dosis (sukat/dami), at halos lahat ng mga reaksyong nito ay resulta ng aktibidad ng nitroglycerin bilang isang vasodilator(nagpapalawak ng ugat na daluyan ng dugo). Ang sakit ng ulo, na maaaring matindi, ay ang pinaka-karaniwang naiuulat na epekto. Ang sakit ng ulo ay maaaring maulit sa bawat araw na pag-inom ng gamot na ito. Ang mga pansamantalang pakiramdam ng pagkagaang ng ulo, na paminsan-minsan nauugnay sa pagbabago sa presyon ng dugo, ay maaari ding mangyari. Ang hypotension (pagbaba ng presyon ng dugo) ay madalas na nangyayari, ngunit sa ilang mga pasyente ay maaari itong maging malubha na dahilan upang ang paggagamot ay ipahinto. Ang Syncope, crescendo angina, at rebound hypertension ay naiulat ngunit hindi pangkaraniwan. Ang mga reaksyon sa alerdyi sa Nitro-Bid ay bihira din, at ang karamihan sa mga naiulat ay mga kaso ng contact dermatitis o fixed drug eruptions sa mga pasyente na tumatanggap ng nitroglycerin na pamahid o patch (idinidikit). ...

Precaution:

Bago gamitin ang Nitro-Bid, sabihin sa iyong taga-pangangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga sumusunod na kondisyong medikal: kung umiinom ka ng anumang gamot na reseta o hindi reseta, herbal, o suplemento sa pagdidiyeta; kung mayroon kang mga alerdyi sa mga gamot, pagkain, o iba pang mga sangkap; kung umiinom ka ng mga inuming nakalalasing; kung mayroon kang kasaysayan ng iba pang mga problema sa puso (hal. pagpalya ng puso, paglaki ng puso, atake sa puso), labis na aktibo na teroydeo (thyroid), stroke (atake sa utak) o iba pang pagdurugo sa utak, o kamakailang pinsala sa ulo; kung mayroon kang anemia, mababang presyon ng dugo, kakulanagan ng katawan sa tubig, o mababang dami ng dugo. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekumenda na gumamit ng Nitro-Bid nang walang payo ng iyong doktor. ...