Nitrolingual
Merck & Co. | Nitrolingual (Medication)
Desc:
Ang Nitrolingual Pumpspray ay nirerekomenda para sa mga kakasimula lamang na atake o para maiwasan ang angina pectoris (pagsakit ng dibdib) dahil sa coronary artery disease (sakit sa puso). ...
Side Effect:
Maaaring mangyari ang sakit ng ulo, pagkahilo, paggaan ng pakiramdam ng ulo, pagduwal, at pamumula. Kung ang alinman sa mga epektong ito ay mananatili o lumala, sabihin kaagad sa iyong doktor o parmasyutiko. Ang sakit ng ulo ay madalas na isang senyas na gumagana ang gamot na ito. Maaaring irekomenda ng iyong doktor para sa paggamot sa sakit ng ulo ang mga hindi de-resetang gamot na pantagal ng sakit (tulad ng acetaminophen, aspirin). Sabihin kaagad sa iyong doktor kung ang sakit ng ulo ay nagpatuloy o naging matindi. Sabihin agad sa iyong doktor kung ang mga hindi malaman, ngunit malubhang epekto ay nangyari tulad ng: nahimatay, mabilis/hindi regular/kumakabog ang tibok ng puso. Humingi ng agarang atensyong medikal kung nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng isang seryosong reaksyong alerdyi kagaya ng: pamamantal, pangangati / pamamaga (lalo na sa mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo, problema sa paghinga. ...
Precaution:
Ang Nitrolingual Pumpspray ay hindi dapat gamitin kung ikaw ay alerdyi sa nitroglycerin o kung gumagamit ka ng mga gamot para sa Erectile Dysfunction(sakit sa ari ng lalaki) tulad ng sildenafil, vardenafil, at tadalafil. Ang paggamit ng Nitrolingual Pumpspray kasama ang mga nasabing gamot ay maaaring maging sanhi ng mababang presyon ng dugo, na kilala bilang hypotension, dahil sa pagpapalawak ng mga daluyan ng dugo. Dapat mong gamitin ang nitroglycerin nang may pag-iingat sa mga unang araw pagkatapos ng atake sa puso at maaari itong magpalala ng angina (pagsakit ng dibdib) sanhi ng isang kondisyon sa puso na kilala bilang hypertrophic cardiomyopathy. Ang paglala ng hypotension kapag nakatayo ay maaaring mangyari kahit sa maliit na dosis ng nitroglycerin at maaaring magresulta sa mabagal na pintig ng puso at paglala ng angina. Dapat itong gamitin nang may pag-iingat kung ikaw ay kulang ang tubig dahil sa paggamit ng gamot o kung mayroon kang mababang presyon ng dugo. Maaari kang makaroon ng hindi normal na pag-dipende sa gamot na ito o sa iba pang mga nitrate at nitrite. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...