Norco

Watson Pharmaceuticals | Norco (Medication)

Desc:

Ang Norco ay kombinasyon ng acetaminophen at hydrocodone. Ang Hydrocodone ay narkotikong gamot na pamawi ng sakit at ang acetaminophen ay hindi-narkotikong gamot na pamawi ng sakit na tumutulong upang mapalakas ang epekto ng hydrocodone, at kapag pinagsama ay pumapawi ng katamtaman hanggang sa matinding sakit. Ang gamot na ito ay dapat na inumin ng pamamagitan ng bibig, mayroon o walang pagkain, tulad ng itinuro ng iyong doktor. Ang dosis ay batay sa iyong kondisyong medikal at tugon ng iyong katawa sa gamutan. Huwag dagdagan ang dosis o dalas nang pag-inom ng walang payo ng iyong doktor. ...


Side Effect:

Madalas ang Norco ay maaaring maging sanhi ng pagkabalisa, pagkahilo, pagkaantok; katamtamang pagduduwal, pagsusuka, masakit na tiyan, paninigas ng dumi; sakit ng ulo, pagbabago ng damdamin; malabong paningin; pagtunong sa iyong tainga; o tuyong bibig. Kung ang alinman sa mga ito ay nagpatuloy o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang mas bihiran, ngunit malubhang epekto ay: pamamantal na may pamumula, pangangati, kahirapan sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga pantal; mababaw na paghinga, mabagal na tibok ng puso; magaang pakiramdam sa ulo, pagkahimatay; pagkalito, takot, hindi pangkaraniwang mga saloobin o pag-uugali; kombulsyon; mga problema sa pag-ihi; o pagduduwal, sakit sa itaas na bahagi ng tiyan, pangangati, pagkawala ng gana sa pagkain, madilim na ihi, mga dumi na kulay na luwad, paninilaw ng balat o mga mata. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito humingi kaagad ng tulong medikal. ...


Precaution:

Bago gamitin ang Norco ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang mga alerdyi, kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagroon ka ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon: hika, COPD, sleep apnea, o iba pang mga karamdaman sa paghinga; sakit sa atay o bato, nagkaroon ng pinsala sa ulo o tumor/bukol sa utak; mababang presyon ng dugo; sakit sa tiyan o sakit sa bituka; hindi aktibo na teroydeo (thyroid); Addison's disease o iba pang problema sa adrenal gland; kurbada ng gulugod; sakit sa pag-iisip; o nagkaroon ng kasaysayan ng pagkalulong sa droga o alkohol. Dahil ang Norco ay maaaring maging sanhi ng pagkahilo at pag-aantok, pinapayuhan na huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa matiyak mong ligtas mong maisasagawa ang aktibidad na ito. Huwag din gumamit ng mga inuming nakakalasing, habang bubuntis at nag pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gumamit ng Norco nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».