Anticholinergics - antispasmodics - oral
Watson Pharmaceuticals | Anticholinergics - antispasmodics - oral (Medication)
Desc:
Ang gamot ay maaaring iklasipika ayonsa kemikal na uri ng aktibong sangkap o sa paraan na ito ay ginagamit upang gamutin ang partikular na kondisyon. Ang bawat gamot ay pwedeng iklasipiika sa isa o mas maraming mga klase ng gamot. Ang Anticholinergic/antispasmodic agents ay nagbabawal sa aksyon ng acetylcholine. Pinahihinto nila ang transmisyon ng parasimpatetikong simbuyo ng nerb kaya naman nababawasan ang mga pulikat ng malambot na kalamnan, tulad ng gastrointestinal na trak at sa pantog. Ang mga ito ay ginagamit upang gamutin ang mga pulikat o kondisyong may kasamang mga gambala sa pantog o gastrointestinal motility. ...
Side Effect:
Ang medikasyong ito ay maaaring magsanhi ng pamumula ng mukha, mga problema sa pagtulog, sakit ng ulo, malabong paningin, pagkaantok, tumaas na sensitibidad sa liwanag, konstipasyon, tuyong bibig, bumabang pamamawis o uhaw. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, ipaalam sa iyong doktor. Sabihan ang iyong doktor kung ikaw ay may mabuong: pagkalito, pangangatog, mabilis/iregular na tibok ng puso, hirap sa pag-ihi. Sa mga hindi malamang na pangyayaring magkaroon ka ng reaksyong alerdyi sa gamot na ito, humingi ng agarang atensyong medikal. Ang mga sintomas ng reaksyong alerdyi ay may kasamang: pamamantal, pamamaga, pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Kung sapalagay mong ikaw o ang ibang tao ay nagkaroon ng sobrang dosis, kumuha ng emerhensiyang tulong kaagad. Ang pagkakaroon ng sobrang dosis ng kahit anong belladonna na alkaloyde o paggamit ng scopolamine kasama ng alak o ibang central nervous system (CNS) depressant ay maaaring magsanhi ng kawalan ng malay at posibleng kamatayan. Ang ilang mga senyales ng sobrang dosis ay ang pagkalampa o hindi pagkapirmi; pagkahilo; matinding pagkaantok; lagnat; mga halusinasyon (nakakita, nakakarinig, o nakakaramdam ng mga bagay na wala doon); pagkalito; pagkakapos ng hininga o hirap sa paghina; paputol-putol na pananalita; hindi pangkaniwang pagkasigla, pagkakaba, walang kapahingahan, o iritabilidad; mabilis na tibok ng puso; at hindi pangkaraniwang init, pagkatuyo, at pamumula ng balat. Ang mga gamot na ito ay maaaring gawin kang pawisan ng mas kaunti, nagsasanhi sa pagtaas ng iyong katawan. Mag-ingat upang huwag maging sobrang mainit habang nag-iehersisyo o habang mainit ang panahon habang ikaw ay gumagamit ng gamot na ito, dahil ang sobrang init ay pwedeng magresulta sa heat stroke. Gayun rin, ang mga maliit na pangligo o sauna ay maaaring gawin kang nahihilo o mahimatay habang ikaw ay gumagamit ng gamot na ito. Ang mga Anticholinergics at antispasmodics ay maaaring magsanhi ng malabong paningin sa ilang mga tao. Siguraduhing ang iyong paningin ay malinaw bago ka magmaneho o gumawa ng kahit anong pwedeng maging mapanganib kapag hindi malabo ang iyong panigin. Ang mga gamot na ito ay maaaring magsanhi ng sobrang pagkasensitibo sa liwanag kaysa normal sa iyong mga mata. Siguraduhing alama mo kung paano ka nagrireak sa gamot na ito bago ka magmaneho, gumamit ng makina, o gumawa ng kahit anong posibleng mapanganib kung ikaw ay nahihilo o hindi maagap. Ang pagkahilo, o pagkakahimatay ay maaaring mangyai, lalo na kung ikaw ay tatayo mula sa pagkakahiga o pagkakaupo. Ang pagtayo ng mabagal ay maaaring makatulong sa pagbabawas ng problemang ito. ...