Norfloxacin - oral

Dr. Reddy Laboratories | Norfloxacin - oral (Medication)

Desc:

Ang Norfloxacin ay kabilang sa klase ng mga gamot na kilala bilang antibayotikong fluoroquinolone na ginamit upang gamutin ang iba't ibang mga impeksyon mula sa bakterya. Ang gamot na ito ay ginagamot lamang ang mga impeksyon muka sa bakterya at hindi magiging epektibo para sa mga impeksyon mula sa virus tulad ng karaniwang sipon, o trangkaso. ...


Side Effect:

Ang mga karaniwang epekto na maaaring sanhi ng Norfloxacin ay ang mga sumusunod: pagduduwal, pagtatae, pagkahilo, magaan na pakiramdam ng ulo, o sakit ng ulo. Kung ang alinman sa mga ito ay magpatuloy o lumala, tawagan ang iyong doktor. Mas bihira, ngunit malubhang epekto nito ay kinabibilangan ng: hindi pangkaraniwang pagpapasa o pagdurugo, mga palatandaan ng isang bagong impeksyon tulad ng bago o paulit-ulit na lagnat, paulit-ulit na namamagang lalamunan, hindi pangkaraniwang pagbabago sa dami ng ihi, hindi pangkaraniwang pagkapagod, sakit sa tiyan, patuloy na pagduduwal o pagsusuka , naninilaw na mga mata at balat, maitim na ihi, malubha o paulit-ulit na sakit ng ulo, mga pagbabago sa paningin, panginginig, kombulsyon, matinding pagkahilo, panghihimatay, mabilis o hindi regular na tibok ng puso, mga pagbabago sa pag-iisip o pag-uugali tulad ng pagkabalisa, pagkalito, guni-guni, pagkalungkot, o bihirang pag-iisip ng pagpapakamatay. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito humingi kaagad ng tulong medikal. Bihira ang isang reaksyong alerdyi, ngunit kumuha ng pangangalagang medikal kung napansin mo ang mga sumusunod na sintomas: pamamantal na may pamumula, pangangati, kahirapan sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga pantal. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Sabihin sa iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagkaroon ka ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon: ilang mga metabolic disorder, diyabetes, problema sa puso, mga problema sa litid tulad ng papamaga ng litid (tendonitis), o bursitis (pamamaga ng bursa), sakit sa bato, myasthenia gravis (isang sakit na nagpapahina), karamdaman sa nervous system tulad ng peripheral neuropathy, pagatake ng kombulsyon, pinsala sa utak o ulo, mga bukol sa utak, o cerebral atherosclerosis. Dahil ang Norfloxacin ay maaaring maging sanhi ng pagkahilo at pag-aantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang hindi nasisigurong ligtas mong maisasagawa ang aktibidad na ito. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».