Novoseven
Novo Nordisk | Novoseven (Medication)
Desc:
Ang Novoseven / Coagulation Factor VIIa ay nirerekomenda para sa paggamot ng mga dumudugo na dulot ng hemophilia A o B na mga pasyente na may mga inhibitor (pumipigil/kumokontra) sa FVIII o FIX at sa mga pasyente na sadyang ipinanganak na may hemophilia; pang-iwas sa pagdurugo sa mga ooperahan o sasailalim sa isang matinding pamamaraang medikal sa mga pasyenteng may hemophilia A o B na may mga inhibitor sa FVIII o FIX at sa mga pasyente na sadyang ipinanganak na may hemophilia; panggamot ng mga pagdurugo sa mga pasyente na may kakulangan sa congenital Factor VII at pang-iwas sa pagdurugo sa mga ooperahan o sasailalim sa isang matinding pamamaraang medikal sa mga pasyenteng may kakulangan sa congenital FVII. ...
Side Effect:
Mayroong ilang mga epekto na maaaring mangyari pagkatapos gamitin ang gamot na ito tulad ng: lagnat, sakit ng ulo, sakit / pamumula / pangangati sa lugar ng pinagturukan, pagkahilo, pagduwal, o pagsusuka. Kung ang alinman sa mga epektong ito ay mananatili o lumala, sabihin kaagad sa iyong doktor o parmasyutiko. Sabihin agad sa iyong doktor kung ang alinman sa mga bihira ngunit malubhang epekto ay nangyari: pamamaga ng bukung-bukong / paa, bago o lumalalang pagdurugo / pag-papasa, bago o lumalalang sakit sa kasukasuan / pamamaga. Humingi ng agarang medikal na atensyon kung ang alinman sa mga bihirang ngunit napaka-seryosong epekto na naganap: sakit / pamamaga / pamumula / panghihina ng mga braso o hita, pananakit/pamamaga na mainit kapag hinawakan ang binti, pag-iksi ng paghinga, pag-ubo ng may dugo, sakit sa dibdib / sakit sa panga / kaliwang braso, mabilis / mabagal na tibok ng puso, biglang pagbabago ng paningin, kahinaan sa isang bahagi ng katawan, mabagal na pagsasalita, pagkalito, pagbabago ng dami ng ihi. Humingi ng agarang atensyong medikal kung nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng isang seryosong reaksiyong alerdyi na maaaring kasama ang: pamamantal, pangangati / pamamaga (lalo na sa mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo, problema sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Novoseven, sabihin sa iyong doktor kung mayroon kang coronary artery disease (pagtigas ng mga ugat), nagkaroon ng istrok/atake sa utak o atake sa puso, isang matinding pinsala o impeksyon, o kung ikaw ay alerdyi sa daga, hamster, o mga protina ng baboy, anumang mga alerdyi . Upang matiyak na ang gamot na ito ay nakakatulong sa iyong kondisyon, ang iyong dugo ay kailangang masuri nang regular. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang Novoseven nang walang payo ng iyong doktor. ...