Nuvigil

Cephalon | Nuvigil (Medication)

Desc:

Ang Nuvigil / armodafinil ay isang gamot na nirereseta na ginagamit upang mas maging gising ang mga matatanda na nakakaranas ng labis na pagkaantok dahil sa isa sa mga sumusunod na tiyak na karamdaman sa pagtulog: obstructive sleep apnea (OSA), shift work disorder (SWD), o narcolepsy. Sa mga pasyente na may OSA, ang Nuvigil ay ginagamit kasama ng iba pang mga medikal na panggamot para sa karamdamang ito sa pagtulog. Ang Nuvigil ay hindi pamalit ng iyong kasalukuyang panggamot sa OSA, at mahalaga na patuloy mong gamitin ang gamot na ito tulad ng inireseta ng iyong doktor. Maaaring makatulong ang Nuvigil sa pagkaantok na dulot ng mga kundisyong ito, ngunit maaaring hindi nito mapigilan ang lahat ng iyong pagkaantok at hindi ito pumalit sa pagtulog. Ang Nuvigil ay isang sangkap na kinokontrol ng gobyerno, kaya't gamitin lamang ang Nuvigil katulad ng itinuro at ilagay sa isang ligtas na lugar upang maiwasan ang maling paggamit at pang-aabuso. Labag sa batas ang pagbenta o pagbibigay ng Nuvigal sa ibang tao. ...


Side Effect:

Itigil ang pag-inom ng Nuvigil at tawagan ang iyong doktor o humingi ng agarang tulong kung magkakaroon ka ng alinman sa mga sumusunod na malubhang epekto: sintomas ng problema sa pag-iisip (psychiatric), kabilang ang: depresyon, pakiramdam ng pagkabalisa, pagkaramdam ng mga bagay na wala naman talaga, matinding pagtaas ng kakayahan sa paggawa ng aktibidad (pagkahibang) , mga saloobin ng pagpapakamatay, paggiging agresibo, o iba pang mga problema sa pag-iisip. Mga sintomas ng problema sa puso, kabilang ang: pananakit ng dibdib, abnormal na pagtibok ng puso, at problema sa paghinga. Karaniwang mga epekto ng Nuvigil ay pananakit ng ulo, pagduwal, pagkahilo, at problema sa pagtulog. Ipaalam sa iyong doktor kung nagkaroon ka ng anumang epekto na nakakabalisa sa iyo o hindi nawawala. ...


Precaution:

Bago uminom ng Nuvigil, sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng anumang mga alerdyi o kung mayroon ka ng ilang mga kondisyong medikal, tulad ng: ilang mga problema sa puso (hal, paglaki ng puso, problema sa mitral valve), kasaysayan ng mga problema sa puso (hal, pananakit ng dibdib,hindi regular na tibok ng puso) pagkatapos uminom ng pampasigla tulad ng amphetamines; mataas na presyon ng dugo, mga problema sa puso (hal. , pagnanakit ng dibdib, atake sa puso, hindi regular na tibok ng puso), mga problema sa atay, mga problema sa bato, mga karamdaman sa pag-iisip / kalooban (hal. , depresyon, kahibangan, psychosis), personal o kasaysayan ng pamilya ng palagiang paggamit / pag-abuso sa mga gamot / alkohol. Ang mga karamdaman sa pagtulog ay maaaring makabawas sa iyong kakayahang kumilos/gumalaw ng ng agaran. Kahit na ang Nuvigil ay nakakatulong sa iyo na maging gising, maaaring hindi mo pa rin ligtas na maisagawa ang mga gawain na nangangailangan ng mabilis na pagkilos (hal. , Pagmamaneho). Ang gamot na ito ay maaari ring magdulot ng pagkahilo. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng anumang aktibidad na nangangailangan ng pagkaalerto hanggang hindi natitiyak na ligtas mong maisasagawa ang mga naturang aktibidad. Iwasan ang mga inuming nakakalasing. Pinapayo ang pag-iingat kapag ginagamit ang gamot na ito sa mga bata dahil maaaring mas sensitibo sila sa mga epekto ng gamot, lalo na ang mga seryosong pagpapantal. Ang Nuvigil ay dapat gamitin lamang kung talagang kinakailangan sa panahon ng pagbubuntis. Talakayin ang mga panganib at benepisyo sa iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».