Obenix
Holloway Pharmaceuticals | Obenix (Medication)
Desc:
Ang Obenix / phentermine ay ginagamit kasabay ng pagdidiyeta at pag-eehersisyo upang mapababa ang timbang ng mga taong may peligro sa pangkalusugan tulad ng mataas na presyon ng dugo, mataas na kolesterol, o diabetes. Ang Obenix ay isang suppressant na tulad ng isang amphetamine na tumutulong din mawalan ng gana sa pagkain na siyang nakakaapekto sa central nervous system. ...
Side Effect:
Agad na ipagbigay alam sa iyong doktor ang mga malubhang side effects tulad ng hirap sa paghinga, paninikip ng dibdib, pagkahimatay, pamamaga sa iyong bukung-bukong o paa, pagbilis ng tibok ng puso, pagbabago sa ugali gaya ng pagkamayamutin o hindi pangkaraniwang mga saloobin, sobrang saya o biglang paglungkot at sobrang pagtaas na presyon ng dugo. Meron ding naitalang mga pangkaraniwang epekto tulad ng pagiging balisa, pananakit ng ulo, pagkahilo, panginginig, insomnia, natutuyong bibig o isang hindi kanais-nais na panlasa, pagtatae o paninigas ng dumi, panghihina, pananakit ng tiyan at pagkawala o pagtaas ng gana sa pagtatalik. Agaran ding ipagbigay alam sa iyong doktor ang mga allergic reactions tulad ng pantal, pangangati o pamamaga (lalo na sa mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo at problema sa paghinga. ...
Precaution:
May mga naiulat na ilang mga masamang epekto sa paggamit ng Obenix kung kaya't ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay may sakit sa puso, sobrang taas na presyon ng dugo, sobrang aktibong teroydeo, glaucoma, nasa isang nakakabagabag na estado o kasaysayan ng pag-abuso sa droga o alkohol. May mga naitala din na epekto sa mga hindi hiyang sa iba pang mga gamot tulad ng sa pangdiyeta, amphetamines, pampasigla, gamot sa sipon, gamot sa mataas na presyon ng dugo, diabetes, sakit sa bato o isang sakit sa teroydeo. Hindi nirerekomenda ang paggamit ng Obenix sa mga buntis at nagpapasuso maliban na lamang kung may payo ng doktor. ...