Octamide
Pfizer | Octamide (Medication)
Desc:
Naglalaman ang Octamide ng aktibong sangkap ng metoclopramide, isang gamot na prokinetic, na siyang nakakatulong sa panandaliang lunas sa pangangasim ng sikmura tuwing araw o matapos kumain. Ito ay ginagamit din sa mga Diabetic patients na may gastroparesis, at cancer patients upang maiwasan ang pagduwal o pagsusuka sanhi ng chemotherapy o radiation treatments. Ang gamot na ito ay dapat na inumin 30 minuto bago kumain at bago matulog, karaniwang 4 na beses sa isang araw o tulad ng bilin ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Ang karaniwang epekto ng Octamide ay ang pagiging antukin, panghihilo, pagkapagod, problema sa pagtulog, pagkabalisa, pananakit ng ulo, at pagtatae. Ipaalam sa iyong doktor kung ang mga ito ay nagpatuloy o lumala. Ang mas malala at mas matinding mga epekto ay tulad ng pantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, kawalan ng gana, pagbabago sa mentalidad (pagkabalisa, pagkalito, depresyon, o ang maisipang magpakamatay), kabawasan sa kakayahang sekswal, hindi mapakali, pasmadong kalamnan, abnormalidad sa suso (paglaki, paglambot at hindi maayos na produksyon ng gatas ng ina), pamamaga ng ang mga kamay at paa, mga pagbabago sa regla sa mga kababaihan, panginginig, hirap sa paggalaw, paninigas ng kalamnan, kawalan ng ekspresyon ng mukha, lagnat, nag-iigtingang kalamnan, pagdami ng pawis at pagbilis ng tibok ng puso. Agarang humingi ng tulong medikal kung ikaw ay nakakaranas ng mga ganitong sintomas. ...
Precaution:
Bago gumamit ng Ocufen, ipagbigay-alam sa iyong doktor ang anumang mga alerdyi, paggamit ng iba pang gamot at pagkakaroon ng mga medikal na kondisyon tulad ng mga problema sa bituka o tiyan, kanser sa suso, diabetes, mataas na presyon ng dugo, mga problema sa bato, sakit sa puso, mga problema sa kaisipan tulad ng depresyon o ang intensyon na magpakamatay, sakit ng Parkinson, mga problema sa atay tulad ng cirrhosis, o porphyria, pheochromocytoma, seizures, o sakit sa dugo na ensaym. Maaaring maging antukin sa pag-inom ng gamot na ito kung kaya't iwasan ang pagmamaneho, paggamit ng makinarya at ang pag-inom ng alkohol. Hindi rin ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso maliban na lamang kung may payo ng iyong doktor. ...