Ocupress

Novartis | Ocupress (Medication)

Desc:

Ang Ocupress / carteolol ay ginagamit upang makaiwas sa pagkabulag sa pamamagitan ng pagpigil sa mataas na presyon sa loob ng mata dahil sa glaucoma (open-angle type) o iba pang mga sakit sa mata (tulad ng ocular hypertension). Ang Ocupress / carteolol ay isang beta blocker na nagbabawas ng mga namumuong likido sa mata. Gamitin ang gamot na ito sa (mga) apektadong mata na itinuro ng iyong doktor, karaniwang 1 patak dalawang beses araw-araw. Ito ay ginagamit sa panlabas na balat lamang. Ang dosis ay batay sa iyong kondisyong medikal at tugon sa paggamot. Sundin ang mga payo ng iyong doktor kung paano gamitin ang gamot na ito tulad ng paghugas ng kamay, pag-iwas na mahawakan ang dulo ng dropper at wag hayaang dumampi ang dropper sa mata nang sa gayon ay maiwasan ang kontaminasyon. ...


Side Effect:

Makakaranas ng pansamantalang paglabo o pangangati ng mata subalit ipagpaalam sa iyong doktor o parmasyutiko kung sakaling lumubha ang epekto nito. May naiulat din na ibang mga epekto tulad ng pananakit ng mata, pagkakaroon ng mood swings or depresyon, iregular na pagtibok ng puso, pagkahilo, biglang pagtaas ng timbang, pamamaga ng bukung-bukong o paa at hindi pangkaraniwang pagkahapo. Agad ipagbigay alam sa iyong doktor ang mga malubhang epekto na maaaring maranasan tulad ng hirap sa paghinga, paninikip ng dibdib, pananakit ng panga o kaliwang braso, kakulangan sa paghinga, pagkahilo, kahinaan sa isang bahagi ng katawan, mabagal na pananalita, seizures, pagkabalisa at biglaang pagbabago ng paningin. Bihira naman ang mga naiulat na seryosong allergic reactions ngunit dapat maagapan tulad ng mga pantal, pangangati, pamamaga (lalo na sa mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo at problema sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang Ocupress, ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikay ay may allergy o may medikal na kondisyon tulad ng sakit sa baga (sakit sa baga-COPD), mga problema sa paghinga ( hika ), iregular na pagtibok ng puso (bradycardia, AV block), sakit sa puso, diabetes, sobrang aktibo na teroydeo (hyperthyroidism), mga problema sa sirkulasyon ng dugo (Raynaud's disease, peripheral vaskular disease), kakulangan ng dugo na dumadaloy sa utak (cerebral insufficiency, stroke), mga kondisyon sa pag-iisip (depresyon), ilang mga problema sa ugat / kalamnan (myasthenia gravis) at kasaysayan ng anaphylaxis o atopy. Ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikaw ay sumailalim sa operasyon sa mata o nagkaroon ng impeksyon nang sa gayon ay mapayuhan kung dapat bang ipagpatuloy na gamitin ang gamot at dapat bang palitan ng bagong bote ng carteolol. Nagdudulot ang gamot na ito ng pansamantalang panlalabo ng paningin kung kaya't ipinapayo na huwag magmaneho o gumamit ng makinarya para sa kaligtasan. Banggitin din sa iyong doktor o dentista kung may mga iba pang gamot na ginagamit tulad ng de-reseta, nireseta at herbal na gamot bago isagawa ang operasyon. Hindi nakakaapekto itong gamot na ito sa mga may mababang blood sugar bagkus, nakakatulong ito na pumigil sa paglakas ng pintig ng puso na karaniwang sintomas ng may diabetes. Hindi ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso maliban na lamang kung malaki ang pangangailangan ngunit ayon pa din sa payo ng doctor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».