Ofatumumab Injection

GlaxoSmithKline | Ofatumumab Injection (Medication)

Desc:

Ang Ofatumumab ay isang monoclonal antibody na nakakaapekto sa mga pagkilos ng immune system ng katawan. Ang mga monoclonal antibodies ay ginawa upang puntiryahin at sirain ang ilang mga selula at protektahan ang mga malulusog na selula mula sa pinsala. Ginagamit ang Ofatumumab upang gamutin ang talamak na lymphocytic leukemia. Ang Ofatumumab ay karaniwang ipinapalit sa ibang gamot na hindi naging mabisa. ...


Side Effect:

Karaniwang nakakaranas ng epekto ang mga pasyenteng naturukan ng Ofatumumab tulad ng pagkahilo, pagduduwal, magaan ang ulo, pagkalito, pangangati, pamamanhid, o pananakit ng dibdib, sakit sa panga o braso, pananakit ng likod, pananakit ng tiyan, at hirap sa paghinga. Maaaring maramdaman ang mga ito sa loob ng 24 na oras matapos ang pag-iiniksyon. Agad humingi ng medikal na tulong kung makakaranas ng allergic reactions tulad ng mga pantal, hirap sa paghinga at pamamaga ng iyong mukha, labi, dila, o lalamunan. Agarang ipagbigay-alam sa iyong doktor ang mga posibleng seryosong epekto tulad ng pagbabago sa iyong kondisyon sa pag-iisip, mga problema sa pagsasalita o paglalakad, panlalabo ng paningin (ang mga sintomas na ito ay maaaring magsimula nang paunti-unti at mas mabilis ang paglala), pagduduwal, pananakit ng tiyan, pagkawala ng gana sa pagkain, pangangati, maitim na ihi, mga dumi na kulay luwad, paninilaw ng balat (pagkulay ng balat o mga mata), lagnat, panginginig, pananakit ng katawan, sintomas ng trangkaso, ulser sa bibig at lalamunan, mabilis na pintig ng puso, mabilis at mababaw na paghinga, pagkahimatay, madaling pagtamo ng pasa, hindi pangkaraniwang pagdugo (ilong, bibig, ari, o tumbong), lila o pula na mga pantal sa iyong balat; ubo na may dilaw o berde na plema, parang tinutusok na sakit sa dibdib, paghingal, pagkalito, kahinaan sa isang bahagi ng katawan, pagkawala ng balanse o koordinasyon o matinding paninigas ng dumi. ...


Precaution:

Maaaring magtamo ng viral infection sa utak na posibleng humantong sa pagkaparalisa o kamatayan dulot ng gamot na Ofatumumab. Mas mataas ang peligro na ito sa may mahinang immune system o sa mga umiinom ng iba pang mga gamot. Tawagan kaagad ang iyong doktor kung makaramdam ng mga sintomas tulad ng pagbabago sa iyong mental na kalagayan, mga problema sa pagsasalita o paglalakad, o paglabo ng paningin. Ang mga sintomas na ito ay maaaring magsimula nang unti-unti at mabilis ang paglala. Bago tumanggap ng Ofatumumab, ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang hepatitis o malubhang COPD. Upang matiyak ang kaligtasan mula sa mga sintomas ng seryosong epekto ng gamot na ito, kinakailangan na masuri ang mga selula ng dugo, kondisyon ng bato at atay sa loob ng maraming buwan kahit na matapos huminto sa paggamit ng Ofatumumab. Ipagbigay-alam sa iyong doktor kaagad kung nagkakaroon ka ng anumang mga sintomas ng pinsala sa atay, tulad ng pagduwal, sakit ng tiyan, pagkawala ng gana sa pagkain, pangangati, maitim na ihi, dumi na kulay luwad, o jaundice (paninilaw ng iyong balat o mga mata). ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».