Ofloxacin Otic

Dr. Reddy Laboratories | Ofloxacin Otic (Medication)

Desc:

Ang Ofloxacin ay isang uri ng antibiotics na tinatawag na fluoroquinolones. Ginagamit ang ofloxacin otic solution upang gamutin ang mga impeksyon sa ear canal at gitnang tainga sa mga pasyente na may mga non-intact tympanic membrane na kilala bilang mga butas o tubo sa bamban ng tainga. Ang Ofloxacin Otic ay isang de-resetang gamot at dapat gamitin nang dalawang beses sa isang araw kada 12 na oras o tulad ng ipinayo ng iyong doktor. Sundin nang eksakto ang mga tagubilin sa label para sa wastong paggamit. Ang gamot na ito ay para sa paggamit lamang ng otic, iwasang malagyan sa mata, bibig o ilong. ...


Side Effect:

Ligtas gamitin ang Ofloxacin Otic at wala naman naitalang matinding epekto. Gayunpaman, agarang humingi ng tulong medikal kung makakaranas ng mga allergic reactions tulad ng hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, pamumula o pantal sa balat, at may lumalabas o lumalalang sakit sa tainga. Ang karaniwang mga posibleng epekto ay ang pangangati at pananakit ng ulo. Kung ang alinman sa mga ito ay nagpatuloy o lumala, tawagan ang iyong doktor. Kung may iba pang sintoma na hindi pangkaraniwan, mangyaring ihinto ang paggamit ng Ofloxacin Otic at tawagan ang iyong doktor. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi, kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon kang anumang medikal na kondisyon sa tainga. Hindi ito nirerekomenda sa mga buntis at nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng iyong doktor. Ang gamot na ito ay nakalaan lamang para sa tainga. Iwasan na ito ay mainom o maipahid sa mata. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».