Olsalazine

Pfizer | Olsalazine (Medication)

Desc:

Ang Olsalazine ay isang salicylate anti-inflammatory drug na pumipigil sa pamamaga, pinsala sa tisyu, at pagtatae. Ginagamot nito ang mga sakit sa bituka na tinatawag na ulcerative colitis. Tumutulong ito upang mabawasan ang mga sintomas ng ulcerative colitis tulad ng sakit sa tiyan, pagtatae, at pagdurugo, pangangati o pamamaga ng malaking bituka at tumbong. Ito ay isang de-resetang gamot lamang, at dapat na iniinom matapos o habang kumakain, karaniwang dalawang beses sa isang araw o tulad ng ipinayo ng iyong doktor. Ang dosis ay batay sa iyong kondisyong medikal at tugon sa paggamot. Huwag dagdagan ang dosis o dalas nang walang payo ng iyong doktor. ...


Side Effect:

Posibleng magkaron ito ng side-effects tulad ng pagkabalisa ng tiyan, pagduwal, pangangasim ng sikmura, pantal, pangangati, sakit ng ulo, kalamnan o kasu-kausan, o mas madalas na pag-ihi. Agad na ipaalam sa iyong doktor kung ang mga sintomas na ito ay lumala. Mayroon ding naitalang mas malubhang epekto tulad ng isang allergic reaction - (pantal, pangangati, kahirapan sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha), pantal, lagnat, sakit sa tiyan, pamumulikat, o madugong pagtatae, paninikip ng dibdib, hirap na paghinga, mabilis na tibok ng puso, pagkawala ng gana sa pagkain, pangangati, maitim na ihi, mga dumi na kulay luwad at paninilaw ng balat. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito ay humingi kaagad ng tulong medikal. ...


Precaution:

Ipaalam sa iyong doktor kung may ilang uri ng alerdyi. Sabihin sa iyong doktor kung may iniinom na ibang gamot o may medikal na kondisyon tulad ng hika, mga bukol sa ilong, problema sa bato, problema sa atay, o radiation treatment sa gawing puson. Iwasan ang pag-inom ng alkohol dahil ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng pagdurugo sa tiyan. Hindi din ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso maliban na lang kung may payo ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».