Omacor

Solvay | Omacor (Medication)

Desc:

Ang Omacor / omega-3-acid ethyl esters ay ginagamit kasabay ng mga pagbabago sa pamumuhay (diyeta, pagbabawas ng timbang, ehersisyo) upang mabawasan ang dami ng mga triglyceride (sangkap ng taba) sa iyong dugo at iba pang fats sa atay. Ito ay kabilang sa pangkat ng mga gamot na tinatawag na antilipemik o mga ahente na kumokontrol sa lipido. ...


Side Effect:

May iilang naitala na mga epekto sa paggamit ng Omacor / omega-3-acid ethyl esters tulad ng pagdighay, pangangasim ng sikmura, pagduduwal, pagbabago sa panlasa, pananakit ng likod at mga pantal. Mayroon din na posibleng mas seryosong epekto na nangangailan ng agarang medikal na atensyon kung sakaling lumala o magpatuloy tulad ng pananakit ng dibdib, at mga allergic reactions tulad ng pantal, pangangati o pamamaga (lalo na sa mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo at problema sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gumamit ng Omacor, ipagbigay alam sa iyong healthcare professional kung ikaw ay hindi hiyang sa alinmang sangkap ng omega-3-acid ethyl esters, isda kabilang ang mga pagkaing dagat (kuhol, kabibeng scallop, hipon, sugpo, ulang, alimango, talaba, tahong, iba pa) at iba pang mga gamot. Ipagbigay alam din sa iyong doktor kung gumagamit ng iba pang mga reseta at hindi reseta na gamot, bitamina, suplementong nutrisyunal, mga produktong erbal na balak din gamitin, pag-inom ng alkohol na hindi bababa sa dalawang baso araw-araw, o kung mayroon ka o nagkaroon ka ng medikal na kondisyon tulad ng diabetes sa atay, teroydeo, o sakit sa pancreatic. Hingan ang payo ng doktor ukol sa pag-inom ng alak, pagbubuntis o planong pagbubuntis at pagpapasuso habang tumatanggap ang iyong katawan ng Omacor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».