Omeprazole

Unknown / Multiple | Omeprazole (Medication)

Desc:

Ang Omeprazole ay isang proton pump inhibitor na humaharang sa paggawa ng asido sa tiyan. Inirereseta ang Omeprazole sa mga pasyente na may dispepsia, pangangasim ng sikmura, erosive esophagitis, stress ulcer, peptic ulcer disease at duodenum, pagdurugo ng tiyan, systemic mastocytosis, maraming endocrine adenomas, benign tumor ng hormon na lumilikha ng mga glandula, gastroesophageal reflux disease, laryngopharyngeal reflux at Zollinger – Ellison syndrome, pancreatitis at fatty bowel sa cystic fibrosis. Maaari ding gamitin ang gamot upang mapabilis ang paggaling ng erosive esophagitis at maiwasan ang pag-ulit ng ulser at pagdurugo sa ilang mga kritikal na pasyente dulot ng pag-inom ng Aspirin / Ibuprofen, at paggamot ng prophylaxis ng Mendelson syndrome (acid aspiration). Ang Omeprazole ay bahagi ng isang kombinasyon na binuo para sa paggamot ng gastric ulser na sanhi ng impeksyon na Helicobacter pylori (H. pylori). ...


Side Effect:

Ang Omeprazole ay maaaring maging sanhi ng isang seryosong allergic reaction at malubhang kondisyon ng tiyan kung sabay na gagamitan ito ng antibiotics. Ipagbigay alam agad sa iyong doktor ang mga simtomas tulag ng pangangati, problema sa paghinga o paglunok, o anumang pamamaga ng iyong mga kamay, mukha, o bibig habang ikaw o ang iyong anak ay gumagamit ng gamot na ito. Agarang itigil ang paggamit ng gamot at magpasuri sa doktor kung ikaw o ang iyong anak ay nagkakaroon ng higit sa isa sa mga sintomas na ito: pamamaga ng tiyan, matubig o madugong pagtatae, lagnat, pagduwal o pagsusuka, o hindi pangkaraniwang pagkahapo o kahinaan. ...


Precaution:

Ang gamot na ito ay minsan ibinibigay kasama ng iba pang mga gamot tulad ng omeprazole upang gamutin ang mga ulser kung kaya't tiyaking naiintindihan ang tungkol sa mga panganib at tamang paggamit ng anumang iba pang gamot na ibinibigay sa iyo o sa iyong anak ng iyong doktor. Ipinapayo ang hindi paggamit ng gamot na ito kung ikaw ay hindi hiyang sa benzimidazole na gamot tulad ng albendazole (Albenza), o mebendazole (Vermox). Bago gumamit ng Omeprazole, ipagbigay alam sa iyong doktor ang medikal na kondisyon tulad ng sakit sa atay, sakit sa puso at mababang antas ng magnesiyo sa iyong dugo. Kinakailangan ang reseta galing sa doktor sa pagbili ng Omeprazole (Prilosec OTC) kung nagtataglay ng mga kondisyon tulad ng problema sa paglunok, madugo o itim na dumi, pagsusuka na parang dugo o butil ng kape, pangangasim ng sikmura na tumatagal ng higit sa 3 buwan, madalas na pananakit ng dibdib, pangangasim ng sikmura na may paghingal, hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, pagduwal o pagsusuka at pananakit ng tiyan. Hindi din ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».