Omnipen

Wyeth | Omnipen (Medication)

Desc:

Ang Omnipen / ampicillin ay kabilang sa isang klase ng mga antibiotics na tinatawag na penicillin na ginagamit para sa paggamot ng mga impeksyon sa bakterya. Ang mga antibiotics na ito ay pumipigil sa pagdami ng bakterya sa pamamagitan ng pagharang sa mga ito na makabuo ng cell wall na siyang kinakailangan ng bakterya upang mabuhay. Ang cell wall ay ang nagproprotekta sa bakterya at sa mga nilalaman nito kung kaya't ang bakterya ay hindi nakakaligtas nang walang cell wall. Mas mabisa ang pennicilin kung aktibo ang pagdami ng bakterya at ang pagbuo nila ng cell wall. Ginagamit ang Omnipen / ampicillin upang gamutin ang maraming iba't ibang mga uri ng impeksyon na dulot ng bakterya, tulad ng impeksyon sa tainga, impeksyon sa pantog, pulmonya, gonorrhea, at impeksyon sa E. coli o salmonella. ...


Side Effect:

Agad na tumawag ng medikal na tulong kung mararanasan ang mga sumusunod: lagnat, pamamaga ng lalamunan, pananakit ng ulo na may matinding pamumula, pagbabalat, at pulang pantal sa balat, matubig o madugo na pagtatae, lagnat, panginginig, pananakit ng katawan, sintomas ng trangkaso, madaling pagtatamo ng pasa o pagdurugo, panghihina, mas mahina o mas madalang na pag-ihi kaysa dati, pagkabalisa, pagkalito, hindi pangkaraniwang mga saloobin o pag-uugali at seizure (black-out o kombulsyon). May posibilidad din maramdaman ang ibang banayad na epekto tulad ng pagduwal, pagsusuka, pananakit ng tiyan, pangangati o vaginal discharge, pananakit ng ulo, namamaga, nangingitim o mabuhok na dila, at thrush (puting mga patch sa loob ng iyong bibig o lalamunan). Agad namang humingi ng medikal na tulong kung makakaranas ng mga allergic reactions tulad ng pantal, pangangati / pamamaga (lalo na sa mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo at problema sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang Omnipen, ipagbigay alam sa iyong doktor ang anumang uri ng alerdyi (lalo na ang mga alerdyi sa gamot), o mga medikal na kondisyon tulad ng hika, sakit sa bato, sakit sa dugo, mononucleosis (tinatawag ding mono) at pagtatae bunsod ng antibiotics. Hindi ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».