OnabotulinumtoxinA Injection
Allergan | OnabotulinumtoxinA Injection (Medication)
Desc:
Ang OnabotulinumtoxinA ay ginagamit upang gamutin ang malubhang migrane, axillary hyperhidrosis (matinding pamamawis sa kili-kili), at ang pamumulikat ng itaas na braso. Ginagamit din ito para sa cervical dystonia (pamumulikat ng kalamnan sa leeg) upang mahilom ang abnormal na posisyon ng ulo at ang pananakit ng leeg dulot ng pamamanhid ng mga kalamnan. Ang gamot na ito ay iniiksyon sa kalamnan ng mga mata upang makontrol ang pagkaduling at sa mga talukap upang gamutin ang blepharospasm (di mapigilang pagkurap) na nauugnay sa kondisyon na tinatawag na dystonia. Mabisa din ang gamot na ito sa pagkontrol ng hindi mapigilang pag-ihi sa pamamagitan ng pag-iniksyon nito sa bladder wall kung saan napapaloob ang ihi. Ang hindi makontrol na pag-ihi ay maaari ding sanhi ng iba't ibang kundisyon ng pag-iisip tulad ng multiple sclerosis. Ang B Botox cosmetic ay ginagamit din upang mabawasan ang mga glabellar lines sa mga may edad 65 pababa. ...
Side Effect:
May mga naiulat na malubhang epekto ang gamot na ito sa cardiovascular system kasama ang arrhythmia at myocardial infarction na maaaring humantong sa kamatayan kung kaya't malaki ang panganib na dulot ng gamot na ito sa mga may pre-existing cardiovascular disease. May mga naiulat na pagkamatay matapos ang gamutan na may botulinum toxin na may kinalaman din sa sakit na anaphylaxis, dysphagia, pneumonia, at iba pang debility. Ang madalas na naipapa-ulat sa mga pag-aaral na epekto ng gamot na ito ay respiratory infection, pananakit ng ulo, trangkaso, blepharoptosis, pananakit at pagkahilo. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay alam sa iyong doktor kung nagtatagalay ng mga alerdyi sapagkat may sangkap ang gamot na ito na maaaring magdulot ng allergic reactions o iba pang mga problema. Ipagbigay alam din sa iyong doktor ang mga kasaysayang medikal tulad ng problema sa pagdudugo, operasyon at problema sa mata (glaucoma), sakit sa puso, impeksyon sa pinag-iniksyunan, sakit sa kalamnan o mga ugat tulad ng Lou Gehrig's disease (ALS) o myasthenia gravis, seizures, hirap sa paglunok (dysphagia) at problema sa paghinga ( asthma, emphysema, aspiration-type pneumonia). Ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng panghihina ng kalamnan, pamamaga ng talukap ng mata at panlalabo ng paningin kung kaya't ipinapayo na huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, gumawa ng mga aktibong gawain o uminom ng alak para sa kaligtasan. Bago magsagawa ng operasyon, ipagbigay alam sa iyong doktor o dentista ang paggamit ng gamot na ito. Ipinapayo ang matinding pag-iingat sa paggamit ng gamot na ito sa mga bata na may problema sa kalamnan sapagkat sila ang may mas malaking posibilidad na magtamo ng mga masasamang epekto tulad ng hirap sa paghinga at paglunok. Hindi din ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng doktor. ...