Ondansetron - oral
Hospira | Ondansetron - oral (Medication)
Desc:
Ang Ondansetron ay kabilang sa mga gamot na kung tawagin ay 5-HT3 blockers na maaring magamit ng siya lang o kasabay ng mga ibang gamot upang makatulong na mapigilan ang pagkahilo at pagsusuka dulot ng operasyon o gamutang pangkanser, chemotherapy at radiation therapy. ...
Side Effect:
Ang Ondansetron ay maaaring magdulot ng matinding allergic reactions tulad ng mga pantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagbabara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila o mukha, panlalabo ng paningin o pansamantalang pagkabulag, lagnat, pagbagal ng pagtibok ng puso, pagkalungkot, pagkabalisa, panginginig, pagkahimatay at pagdalang o kawalan ng pag-ihi. Kung makaramdam ng mga nabanggit, agarang humingi ng tulong medikal. May mga naiulat din na mas karaniwan at mga banayad na epekto tulad ng pagtatae, paninigas ng dumi, panghihina o pagkahapo, pananakit ng ulo at pagkahilo o pagkalula. Kung ang alinman sa mga epekto na ito ang lumala o magpatuloy, agad na ipagbigay alam sa iyong doktor. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay alam sa iyong doktor ang anumang uri ng alerdyi, kung may iniinom na ibang gamot o kung may kundisyong medikal tulad ng sakit sa atay, tiyan at bituka at pagkakaroon ng pamamaga o operasyon ng mga ito kamakailan. Ang Ondansetron ay maaaring magdulot ng pagkaantok kung kaya't ipinapayo na huwag magmaneho o gumamit ng mga makinarya para sa kaligtasan. HIndi din ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng doktor. ...