Oprelvekin - injection
Vion Pharmaceuticals, Inc. | Oprelvekin - injection (Medication)
Desc:
Ang Oprelvekin ay kahalintulad ng sangkap na kung tawagin ay interleukin-11, isang sangkap na likha ng bone marrow na siyang nagpapadami ng platelets at mahalaga sa pagsasaayos ng daloy ng dugo. Ang gamot na ito ay tumutulong pumigil sa mababang bilang ng platelets, sakit na kilala sa tawag na thrombocytopenia, sa mga pasyenteng dumadaan sa chemotherapy na maaaring magresulta sa bone marrow suppression. Ang Oprelvekin ay de-resetang gamot at ginagamit ito sa pamamagitan ng pag iniksyon ng doktor sa parteng puson, hita, balakang o taas na braso. Kadalasan na ito ay binibigay isang beses sa isang araw umpisa sa 6 hanggang 24 oras matapos ang chemotherapy treatment alinsunod direktiba ng doktor. ...
Side Effect:
Ang mga karaniwang epekto ng Oprelvekin ay ang mga pamumula ng mata, pananakit ng ulo, pagkahilo, insomnia, pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, pamumula ng balat, pananakit o pagkairita ng parte na pinag-iniksyunan, baradong ilong, ubo at pananakit ng lalamunan. Kung ang alinman sa mga ito ang nagpatuloy o lumala, agad na ipagbigay alam sa iyong doktor. Wala naman naiulat na matinding epekto tulad ng allergic reactions - pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagbabara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila o mukha; kinakapos sa hininga; pamamanas at mabilis na pagtaas ng timbang; paninikip ng dibdib, iregularidad sa pagtibok ng puso, pamamanhid o panghihina lalo na sa kalahating parte ng katawan; biglaang pananakit ng ulo, pagkalito, problema sa pananalita o pagbalanse; pagkahimatay, lagnat, panginging, pamamanhid, pananakit ng katawan, sintomas ng trangkaso; pagdalang o pagkawala ng pag-ihi; nanunuyong bibig, masmadalas na pagka-uhaw, pagkaantok, pagkalito, pagduduwal, pagsusuka o pananakit ng mga kalamnan; biglaang pagkawala ng paningin, pananakit ng ulo o pananakit sa likod ng mga mata na may kasamang pagsusuka; o mga puting pantal o singaw sa loob o labas ng bibig. Kung mapapansin ang alinman sa mga sintomas na ito, agarang humingi ng medikal na tulong. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikaw ay ilang uri ng alerdyi, kung ikaw ay may iniinom na ibang gamot o kung ikaw ay may medikal na kondisyon tulad ng sakit sa bato, sakit sa puso o sa daluyan ng dugo tulad ng congestive heart failure, iregular na pagtibok ng puso, stroke, hindi pangkaraniwang water retention tulad ng pamamaga ng alakan o paa, ascites, o pleural effusion, papilledema, bukol sa utak o gulugod, at mataas na presyon ng dugo (hypertension). Ang Oprelvekin ay nakakapagdulot ng pagkaantok at pagkahilo kung kaya't ipinapayo na iwasan ang pagmamaneho at paggamit ng mga makinarya upang manatiling ligtas. Hindi nirerekomenda ang gamot na ito sa mga buntis o nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng doktor. ...