Anti - inhibitor coagulant complex - injection
Unknown / Multiple | Anti - inhibitor coagulant complex - injection (Medication)
Desc:
Ang medikasyong ito ay ginagamit upang gamutin ang mga pasyenteng may ilang kondisyon ng pamumuo ng dugo (hemopilyang may kasamang mga inhibitor) bago ang operasyon o habang atake ng pagdugo. Ang taong mayroong mga kondisyon ng pamumuo ng dugo ay mayroong ilang abnormal na substansya (inhibitor) na ginagawang mahirap para sa dugo na kumapal (mamumo). Kaya naman, ang mga taong ito ay maaaring magdugo ng mas matagal pagkatapos ng operasyon/pinsala o maaaring magdugo ng bigla (kadalasan ay sa bukong-bukong/kalamnan). Ang medikasyong ito ay nagpapahinto sa mga inhibitor na ito at nagpapayag sa dugo na mamuo para mahinto ang iyong pagdurugo. Ang medikasyong ito ay may laman ding ilang iba-ibang substansya (salik) na kailangan upang ang dugo ay mamuo. ...
Side Effect:
Tawagan ang iyong doktor kung ikaw ay may mapansing kahit anong epekto: reaksyong alerdyi (pangangati o pamamantal, pamamaga ng iyong mukha o mga kamay, pamamaga o panginginig ng iyong bibig o lalamunan, paninikip ng dibdib, hirap sa paghinga); dugo sa ihi o dumi; sakit ng dibdib, pagkakapos ng hininga, o pag-ubo ng dugo; ihing madilim ang kulay o duming maputla; lagnat o ginaw; pagduduwal, pagsusuka, kawalan ng ganang kumain, o sakit ng iyong bandang itaas na tiyan; pamamanhid o panghihina ng iyong braso o binti; o sa isang parte ng iyong katawan; sakit ng iyong binti (kalamnan sab inti); sakit, pangangati, pagsusunog, pamamaga, o bukol sa ilalim ng balat kung saan ka tinurukan; bigla o matinding sakit ng ulo, mga problema sa paningin, pananalita, o paglalakad; pamamaga ng mukha, sa palibot ng mata, o bibig; pagbahing, hirap sa paghinga, o paninikip ng dibdib; paninilaw ng balat o mga puto sa mata. Ang ilang hindi masyadong seryosong epekto ay maaaring mapansin rin, tulad ng: sakit sa likod; sakit sa ulo; pagkapagod. ...
Precaution:
Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay hindi hiyang dito, sa lateks o kung ikaw ay mayroong kahit anong ibang alerhiya. Ang medikasyon ito ay hindi dapat gamitin kung ikaw ay may ilang kondisyong medikal. Bago gamitin ang gamot na ito, konsultahin ang iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay mayroong: ilang karamdaman sa pamumuo ng dugo (disseminated intravascular coagulation-DIC, fibrinolysis). Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal. Ang antihibito coagulant complex ay sinala, ineksamin, at ginamot upang bawasan ang posibilidad na may dala itong nakahahawang ahente, ito pa rin ay pwedeng potensyal na makahawa ng sakit. Inirirekomendang kumuha ka ng tamang baksinasyon (halimbawa, para sa hepataitis A at B). Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...