Optivar
MedPointe | Optivar (Medication)
Desc:
Ang Optivar/azelastine ay isang anti-histamine na ginagamit upang gamutin ang mga pangangati sa mata dulot ng alerdyi (allergic conjunctivitis) sa pamamagitan ng pagharang sa mga histamines na siyang nagiging sanhi ng alerdyi. Hindi ito dapat gamitin sa pamumula at pagka-irita ng mata dulot ng contact lens. Upang masiguro ang kaligtasan mula sa kontaminasyon, maghugas ng kamay bago hawakan ang dropper, huwag hahawakan ang dulo nito at huwag hahayaang dumampi ang dulo ng dropper sa mata o sa alinman sa ibabaw ng mata. Alisin ang contact lens bago magpatak sapagkat maaaring mahigop ng contact lens ang sangkap ng Optivar. Ibalik lamang ang contact lens matapos ang 10 minuto. ...
Side Effect:
Maaaring makaramdam ng paghapdi matapos mapatakan ang mata sa loob ng isa o dalawang minuto. Pansamantalang magkakaroon ng panlalabo ng paningin, pananakit ng ulo o pagpait ng panlasa matapos gamitin ang gamot na ito. Kung ang alinman sa mga epekto na ito ang nagpatuloy o lumala, agad na ipagbigay alam sa iyong doktor o parmasyutiko. Ipagbigay alam din sa iyong doktor kung nakakaranas ng ibang seryosong epekto tulad ng hirap sa paghinga at pananakit ng mata, at mga allergic reactions gaya ng pamamantal, pangangati o pamamaga ng mukha, dila o lalamunan, matinding pagkahilo at hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gumamit ng Optivar, ipagbigay alam sa iyong doktor kung mayroon kang alerdyi o nagkaroon ng kundisyon sa mata. Maaaring magdulot ito ng pansamantalang panlalabo ng mata matapos mailapat ang gamot kung kaya't ipinapayo na huwag magmaneho o gumamit ng mga makinarya upang masiguro ang kaligtasan. Hindi din ito nirerekomenda sa mga buntis at nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng doktor. ...