Orasone
Solvay | Orasone (Medication)
Desc:
Ang Orasone/prednisone ay ginagamit upang gamutin ang iba't ibang sakit tulad ng mga problema sa alerdyi, sakit sa balat, ulcerative colitis, arthritis, lupus, psoriasis, o mga problema sa paghinga. Ang Prednisone ay napapabilang sa mga gamot na kung tawagin ay corticosteroids. Pinipigilan ng Prednisone paglabas ng sangkap sa katawan na nagiging sanhi ng pamamaga. ...
Side Effect:
Mayroong iba't ibang epekto na maaaring maranasan dulot ng gamot na ito tulad ng pagduduwal, pagsusuka, kawalan ng gana kumain, pangangasim ng sikmura, hirap sa pagtulog, pagdami ng pagpapawis o acne. Kung alinman sa mga nabanggit ay lumala o nagpatuloy, agad na ipagbigay alam sa iyong doktor o parmasyutiko. Wala naman naitalang mga seryosong epekto ng gamot na ito subalit agarang ipagbigay alam sa iyong doktor kung mapansin ang mga sintomas tulad ng mga: pananakit ng mga kalamnan, iregularidad sa pagtibok ng puso, panghihina, pamamaga ng mga kamay/alakan/paa, hindi pangkaraniwang pagbigat ng timbang, senyales ng mga impeksiyon (lagnat at matinding pananakit ng lalamunan), problema sa paningin (panlalabo ng paningin), pagsusuka ng parang mga butil ng kape, maitim/madugong dumi, matinding pananakit ng tiyan at puson, pagbabago sa mentalidad o sa mood (depresyon, mood swings, pagkabalisa), mabagal na paggaling ng mga sugat, pagnipis ng balat, pananakit ng mga buto, pagbabago sa dalaw ng regla, namamanas na mukha, seizures, at madaling pagtamo ng sugat o pagdudugo. Ipagbigay alam din sa iyong doktor kung nakakaranas ng mga sintomas ng mataas na blood sugar tulad ng mabilis na pagkauhaw at pagdalas ng pag-ihi. Kung may taglay ng diabetes, siguaraduhin na regular na nasusuri ang iyong blood sugar sapagakat baka kailanganin ng iyong doktor na baguhin ang iyong mga gamot sa diabetes, programa sa pag-ehersisyo o pagdiyeta. Wala naman din naiulat na allergic reactions sa paggamit ng gamot na ito. Gayunpaman, agad na humingi ng medikal na tulong kung mapapansin ang mga sintomas tulad ng pamamantal, pamamaga/pangangati ng mukha, dila o lalamunan, matinding pagkahilo at hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago uminom ng Orasone, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay ilang uri ng alerdyi, o kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga medikal na kondisyon tulad ng mga: kasalukuyan/nakaraang impeksiyon (fungal infections, tubercolosis, herpes), sakit sa puso, mataas na presyon ng dugo, sakit teroydeo, sakit sa bata, sakit sa atay, sakit sa tiyan o mga bituka (ulcer, diverculitis), osteoporosis, sakit sa pag-iisip (psychosis, pagkabalisa, depresyon), sakit sa mata (katarata, glaucoma), diabetes, kakulangan ng balanse sa mineral (mababang antas ng potassium o calcium sa dugo), seizures, at mga problema sa dugo. Ang matagal na paggamit ng corticosteroid ay maaaring magpahina sa resistensyang pang pisikal kung kaya't bago sumailalim sa operasyon o madaliang gamutan, o kung nagtamo ng matinding sakit/pinsala, ipagbigay alam sa iyong doktor o dentista ang paggamit ng gamot na ito sa kasalukuyan o sa mga nagdaang 12 na buwan. Ang gamot na ito ay maaring magdulot o magpalala ng iyong impeksyon sapagkat ang likidong gamot nito ay naglalaman ng asukal o alkohol kung kaya't ipinapayo ang matinding pag-iingat lalo na sa mga may diabetes, sakit sa atay, o kung ano pang ibang sakit na nangangailangan ng paglimita o pag-iwas sa mga sangkap nito sa iyong diyeta. Ang gamot na ito ay maaari ding magdulot ng pagdudugo sa iyong tiyan. Iwasan ang pag-inom ng alak habang tumatanggap ng gamot na ito sapagkat maaaring magdulot ng paglala sa pagdudugo ng tiyan ang alak. Maaari din makapagpabagal ng paglaki sa mga bata ang gamot na ito lalo na kapag ginamit ng matagal. Hindi ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulog ng iyong doktor. ...