Orencia

Bristol-Myers Squibb | Orencia (Medication)

Desc:

Ang Orencia/abatacep ay isang resetadong gamot na tumutulong makabawas ng mga senyales at sintomas ng mula banayad hanggang sa matinding pananakit ng rheumatoid arthritis (RA), pati na din ang iba pang gamot na hindi kayang gamutin ang sakit na ito. Ang Orencia ay tumutulong makapigil sa pagkapinsala ng mga buto at kasu-kasuan upang maisagawa mo ng maayos ang mga pang-araw araw na gawain. Maaaring inumin ito ng mag-isa o sabay sa ibang gamot ng RA bukod sa tumor necrosis factor (TNF) antagonists. ...


Side Effect:

Ang Orencia ay maaaring magdulot ng seryosong epekto gaya na lang posibleng makasagap ng impekyson o palalain pa ang impeksyon. May ilang pasyente ang pumanaw sanhi ng impeksyon na ito. Agad na itawag sa iyong doktor kung ikaw ay nakakaramdam ng lagnat, pagkapagod, pag-ubo, pakiramdam na parang magkakaroon ng trangkaso, o pag-init/pamumula/ papanakit ng balat. Posible din magkaroon ng allergic reactions ang Orencia sa araw ng gamutan o kinabukasan. Agad na humingi ng tulong medikal kung makakaranas ng pamamantal, pamamaga ng mukha, talukap, labi, dila o hirap sa paghinga. Kung ikaw ay nagtataglay ng hepatitis B, maaaring maging aktibo ang virus na ito sa paggamit ng Orencia. Maaaring magsagawa ng blood test bago umpisahan ang paggamit ng gamot na ito. Posibleng mawalan ng bisa ang ibang mga bakuna kung sabay na gagamitin ang Orencia. Kung ikaw ay may taglay na COPD, posible din na lumala ang sakit kung isasabay sa paggamit ng Orencia, at maaari din magdulot ng paglalal sa iba pang sakit tulad ng pneumonia, ubo, o hirap sa paghinga. May mga naiulat ng pagkakaroon ng kanser matapos gumamit ng gamot na ito subalit ito'y wala pang pagpapatunay mula sa pag-aaral. ...


Precaution:

Bago gumamit ng gamot na ito, isang lyophilized powder para sa intravenous infusion o isang solusyon para sa iniksyon sa ilalim ng balat, kailangan munang ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay may mga medikal na kondisyon tulad ng iba't ibang uri ng impeksyon (kahit na maliit na hiwa o bukas na sugat) o impeksyon sa buong katawan tulad ng trangkaso; mga impeksyon na pababalik-balik at hindi mawala; may taglay na tubercolosis (TB), o may kasaysayan ng TB o may nakasalamuha ng sakit na TB; mayroon o nagkaroon ng viral hepatitis; may kasaysayan ng chronic obstructive pulmonary (baga) disease (COPD) o may nakatakdang operasyon; hindi hiyang sa mga sangkap ng Orencia; kamakailan lamang tumanggap ng bakuna o may nakatakdang araw ng pagbabakuna; may diabetes at gumagamit ng blood glucose monitor para masubaybayan ang antas ng asukal sa katawan. Hindi ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».