Organidin NR

Meda Pharmaceuticals | Organidin NR (Medication)

Desc:

Tinutulungan ng Organidin NR / guaifenesin na tunawin ang plema (uhog) at panipisin ang labasan ng bronchial upang lumuwag ang daanan ng mga nakakaperwisyong mga uhog, maimis ang mga bronchial tubes at gawing mas maalwan ang pag-ubo. Nararapat ang gamot na ito sa mga pasyente na may malala at talamak na brongkitis. ...


Side Effect:

Pagduduwal o pagsusuka ang posibleng maging epekto ng gamot na ito. Maliban sa mga ito, wala naman naitala na seryosong epekto. Subalit kung magpapatuloy o lumala ang pagduduwal o pagsusuka, agarang ipaalam ito sa iyong doktor. Gayunpaman, kung sakaling makaramdam ng allergic reactions tulad ng mga pantal, pangangati / pamamaga (lalo na sa mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo at problema sa paghinga, humingi kaagad ng medikal na tulong. ...


Precaution:

Bago inumin ang Organidin NR, ipagbigay alam sa iyong healthcare professional kung ikaw ay mayrong alerdyi o kung mayroon o nagkaroon ka ng medikal na kundisyon tulad ng problema sa paghinga (empysema, brongkitis, hika, ubo dulot ng paninigarilyo), ubo na may dugo at makapal na sipon. Ang mga likidong anyo ng produktong ito ay naglalaman ng asukal at / o alkohol kung kaya't pinapayuhan ang pag-iingat sa mga may diabetes, sakit sa atay, o anumang iba pang kundisyon na nangangailangang limitahan o iwasan ang mga sangkap na ito sa iyong diyeta. Tanungin ang iyong doktor o parmasyutiko tungkol sa ligtas na paggamit ng produktong ito. Ang mga likidong porma at pulbos na pakete ng gamot na ito ay maaaring maglaman ng aspartame. Kung mayroon kang phenylketonuria (PKU) o anumang iba pang kundisyon na nangangailangan sa iyo na kontrolin ang iyong paggamit ng aspartame (o phenylalanine), kumunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko tungkol sa ligtas na paggamit ng produktong ito. Bago mag-opera, sabihin sa iyong doktor o dentista ang tungkol sa lahat ng mga produktong ginagamit mo (kabilang ang mga de-resetang gamot, mga gamot na hindi reseta, at mga produktong herbal). Hindi ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».