Orgaran
Organon Pharmaceuticals | Orgaran (Medication)
Desc:
Ang Orgaran/danaparoid ay isang anticoagulant (blood thinner), na nakakapigil sa pamumuo ng dugo. Ginagamit ito upang maiwasan ang pamumuo ng dugo matapos ang operasyon sa paghalili ng balakang. ...
Side Effect:
May mga sintomas ng allergic reactions tulad ng pamamantal, pangangati, pamamaga, matinding pagkahilo, at hirap sa paghinga. Wala naman naipaulat na kaso ng iba pang epekto tulad ng pamamaga ng mga kamay at paa, hirap sa pagtulog, pananakit ng mga kasu-kasuan at hirap sa pag-ihi, subalit kung makaramdam ng mga ganitong sintomas ay agad na ipagbigay alam. Kung nagkaroon ng operasyon ng kasabay ng paggamit nitong gamot, agad na ipagbigay alam kung makakaramdam ng panghihina, pamamanhid at pananakit. Maari din makaramdam ng pagduduwal, paninigas ng dumi, pananakit, pamumula o pagka-irita sa lugar ng pinaginiksyunan, pananakit ng ulo, at pagkahilo. ...
Precaution:
Kailangan ng ibayong pag-iingat kung gagamit ng Orgaran/danaparoid sa mga pasyenteng nabibigyan ng epidural anesthesia. Kung nagkaroon ng senyales ng impaired coagulation, ihinto ang paggamit ng Orgaran bago kumuha ng epidural anesthesia. Kailangan malaman ang bilang ng platelets bago umpisahan ang gamutang Orgaran, at 2 beses linggo linggo pagkatapos. Merong panganib ng systemic bleeding tulad ng iba pang antithrombotic drugs. Ang paggamit ng Orgaran ay nangangailangan ng ibayong pag-iingat lalo na sa mga matatanda at sa may mga malalang impaired renal function sapagkat ang pangunahing ruta ng paglilinis ay sa pamamagitan ng atay. HIndi ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso ng walang pahintulot ng iyong doktor. ...