Ortho Evra

Ortho | Ortho Evra (Medication)

Desc:

Ang Ortho Evra ay isang contraceptive patch upang mapigilan ang pagbubuntis. Ito ay isang manipis na kulay kape na plastic patch na dumidikit sa balat. Ang madikit na parte ng patch ay naglalaman ng mga sumusunod na hormon: norelgestromin (progestin) at ethinyl estradiol (estrogen). Itong mga hormon na ito ang patuloy na sumisipsip sa balat at daluyan ng dugo. Ang katamtamang dami ng estrogen na lumalabas sa balat ang naglilika ng mga estrogen exposure na mas madami kaysa sa mga nilalabas kapag gumagamit ng birth control pills na naglalaman ng 35 mikrogramo ng extrogen. Ang bawat patch ay selyado sa bawat lagayan upang maprotektahan ito hanggang sa handa na itong gamitin. ...


Side Effect:

Ang ilan sa mga epekto ng gamot na ito ay ang mga sumusunod: pamumuo ng dugo na maaaring humantong sa pagpanaw; pag-atake ng puso o stroke; sakit sa apdo; benign pero mapanganib na bukol sa atay; at kanser sa suso at matris. Agad na tumawag sa iyong doktor kung makakaranas ng mga epekto habang gumagamit ng Ortho Evra patch, tulad ng matinding paninikip ng dibdib; pag-ubo ng dugo o biglaang pagkapos ng hininga; pananakit ng sakong; matinding pananakit ng ulo o pagsusuka, pagkahilo o pagkahimatay, problema sa paningin o pananalita, panghihina ng mga braso o binti; biglaan pagkawala ng kalahati o buong paningin; mga bukol sa suso; matinding pananakit o paninigas ng tiyan; matinding problema sa pagtulog, panghihina, pagkapagod o pagbabago sa mood (senyales ng depresyon); paninilaw ng balat o mata na may kasabay na lagnat, pagod, kawalan ng gana kumain, madilim na ihi o maputlang dumi. Agad ding humingi ng tulong medikal kung makakaranas ng mga allergic reactions tulad ng pamamantal, pamamaga/pangangati ng mukha, dila o lalamunan, matinding pagkahilo at hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Hindi dapat gamitin ang Ortho Evra kung ikaw ay buntis o may hinala na buntis, at kung ikaw ay mga medikal na kondisyon tulad ng: kasaysayan ng pag-atake sa puso o stroke; pamumuo ng dugo sa binti (thrombophlebitis); baga (pulmonary embolism), o sa mata; kasaysayan ng pamumuo ng dugo sa malalim na ugat ng binti; isang minana na sakit ng pagkakaroon ng pamumuo ng dugo na higit pa sa normal; pananakit ng dibdib (angina pectoris); batid o hinalang kanser sa suso, matris, cervix o sa puwerta; hindi maipaliwanag na pagdudugo (hanggang matanto ng doktor sa pagsusuri); hepatitis o paninilaw ng mga mata (jaundice) habang buntis o bago ang mga nakaraang paggamit ng hormonal contraceptives; bukol sa atay (cancerous man o hindi); batid o hinalang pagbubuntis; sobrang taas ng presyon ng dugo; diabetes na may kasamang komplikasyon sa bato, mata, ugat o daluyan ng mga dugo; pananakit ng ulo na may mga sintomas ng sakit sa utak; paggamit ng birth control pills; sakit sa mga ugat ng puso na may kasamang komplikasyon; pangangailangan ng mahabang pahinga sa kama matapos ang operasyon; o anumang allergic reaction sa mga sangkap ng Ortho Evra. Ipagbigay alam sa iyong doktor kung taglay ang alinman sa mga nabanggit na kondisyon upang makapagrekomenda siya ng non-hormonal na pamamaraan ng birth control. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».