Otogesic
Ethnor Pharmaceutical | Otogesic (Medication)
Desc:
Ang Otogesic ay isang kombinasyon na gamot na pansamantalang naghihilom ng sakit sa tainga dulot ng impeksyon (external otitis o otitis media). Ang Benzocaine ay mula sa pangkat ng mga gamot na kilala sa tawag na lokal na anesthetics at tumutulong ito na magpamanhid ng tenga. Ang sangkap na Antipyrine ay isa naman pampawala ng sakit. Ang Phenylephrine naman ay tumutulong upang mapakipot ang daluyan ng dugo sa tenga. At dahil sa mga ito, pinapahaba nila ang bisa ng gamot. Gamitin ang gamot ayon sa itinuro ng iyong doktor, kadalasan kada 2 hanggang 4 na oras depended sa pangangailangan. Hindi ito nakakagamot ng impeksyon kung kaya't posible na magreseta ang doktor ng iba pang gamot tulad ng acetic acid at antibiotics upang magamot ang mga impeksyon. ...
Side Effect:
Ipagbigay alam agad sa iyong doktor kung nakakaranas ng mga epekto tulad ng pangingitim ng balat, matinding pagkapagod o panghihina at pagkapos ng paghinga. Ipaalam din sa iyong doktor kung may senyales ng panibagong impeksyon tulad ng lagnat, panibagong pananakit/pamumula/pamamaga ng tenga, at paglabas ng likido mula dito. Agad na humingi ng medikal na tulong kung magkakaroon ng sintomas ng allergic reactions tulad ng pamamantal, pangangati o pamamaga ng tenga, mukha, dila o lalamunan, matinding pagkahilo at hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gumamit ng gamot na ito ay ipaalam sa iyong propesyonal na tagapangalaga ng kalusugan kung ikaw ay hindi hiyang sa mga gamot tulad ng anesthetics (procaine, tetracaine), at kung may iba pang alerdyi. Bago ang operasyon, ipaalam sa iyong doktor ang paggamit ng iba pang gamot tulad ng de-resetang gamot, hindi niresetang gamot at mga produktong herbal. Hindi din ito nirerekomenda sa mga buntis at nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng doktor. ...