Ovrette

Wyeth | Ovrette (Medication)

Desc:

Ang Ovrette/norgestrel (isang uri ng progestin) ay isang hormon na pumipigil sa pagbubuntis sa pamamagitan ng pagbabago nito sa matris o cervical mucus upang mahirapan ang egg cell na makatagpo ang sperm cell (fertilization) o para mahirapan ang fertilized egg na kumapit sa matris (implantation). Ito ay tinatawag ding mini-pill dahil hindi ito naglalaman ng estrogen. Ang Ovrette ay nakakatulong din makabawas ng pananakit ng puson at pagkawala ng dugo dulot ng kondisyon ng regla (malakas/ matinding regla dulot ng endometriosis) at upang tumulong maging regular ang dalaw ng regla. Ang paggamit ng gamot na ito ay hindi nakakatulong prumotekta sa iyo at sa iyong kalaguyo mula sa mga nakakahawang sakit dulot ng pakikipagtalik (HIV, gonorrhea). ...


Side Effect:

Agad na humingi ng medikal na tulong kung nakakaranas ng paghirap sa paghinga, pananakit ng dibdib/ panga/ kaliwang braso, pagkalito, pag-ubo ng dugo, biglaang pagkahilo o pagkahimatay, pananakit o pamamaga ng singit o binti, panghihina o pamamanhid ng mga braso at binti, atbp. Posibleng magkaroon ng spottings sa pagatan ng mga regla lalo na sa mga unang buwan ng paggamit ng gamot na ito. Kung tumagal ang pagregla ng mahigit pa sa 8 araw, o hindi pangkaraniwan ang lakas nito, agad na tawagan ang iyong doktor. Maaari din makaranas ng pagduduwal, pagsusuka, pananakit ng tiyan, pagkahilo, pananakit ng ulo, pagkapagod, paninigas ng mga suso, pagliit ng sukat ng suso, mamantikang anit, acne, paglalagas ng buhok, paglaki ng timbang at impeksyon sa ari. ...


Precaution:

Ang paninigarilyo habang gumagamit ng hormonal birth control (pill/patch/ring) ay nakakadagdag sa panganib na magkaroon ng sakit sa puso at stroke kung kaya't iwasan ang manigarilyo. Bago gumamit ng gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor ang medikal na kasaysayan pati ang sa pamilya lalo ang hika, stroke o iba pang pamumuo ng dugo (binti, mata o baga), mataas na presyon ng dugo, mababang antas ng magandang kolesterol (HDL), diabetes, sakit sa puso, atbp. Bago gumamit ng gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw ay hindi hiyang sa norgestrel, o sa iba pang progestins (norethindrone) o kung may iba pang alerdyi. Hindi ipinapayo na gamitin ang gamot na ito sa mga buntis. Kung ikaw ay nabuntis habang umiinom ng gamot na ito, agad na itigil ang paggamit at tumawag agad sa iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».