Oxaliplatin - injection

Sanofi-Aventis | Oxaliplatin - injection (Medication)

Desc:

Ang Oxaliplatin ay ginagamamit upang gamutin ang lumalalang kanser sa bituka o tumbong. Isa itong chemotherapy na gamot na naglalaman ng platinum at isinasabay sa iba pang uri ng gamot upang mapabagal o mapahinto ang paglago ng cancer cells. ...


Side Effect:

May mga ilang epekto ang naitala sa paggamit ng Oxaliplatin tulad ng pagtatae, pagbabago sa panlasa, singaw sa bibig, pagdudugo ng ilong, pananakit ng ulo, pagkahilo, problema sa pagtulog, pagduduwal, pagsusuka at paglalagas ng buhok. Agad na ipaalam sa iyong doktor kung mapansin ang mga seryosong epekto tulad ng paghapdi, pamumula o pamamaga sa parteng pinag-iniksyunan, madaling pagtamo ng mga pasa at sugat, pagbabago ng isip o mood, senyales ng dehydration (pagdalang ng pag-ihi, masmadalas na pagkauhaw, tuyong bibig), pamumulikat ng kalamnan, panghihina/ pananakit/ pamumula/ pamamaga ng mga braso o binti, pananakit ng paa at pagkahimatay. Ang Oxaliplatin ay maaari ding makaapekto sa iyong mga ugat kung kaya't agad na ipaalam sa iyong doktor kung makakaranas ng panghihina sa lamig, hirap sa paghinga/paglunok/ pananalita, pananakit ng panga, kakaibang pakiramdam sa iyong dila, pananakit ng mata, paninikip ng dibdb, pamamanhid at pamumulikat ng mga kamay, paa, bibig at lalamunan. Wala naman naiulat na seryosong allergic reactions, subalit, agad na ipagbigay alam sa iyong doktor kung makakaranas ng mga sumusunod: pantal, pangangati/pamamaga ng mukha, dila at lalamunan, matinding pagkahilo o hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay alam sa iyong doktor kung mayroon kang mga alerdyi, kung may iniinom na ibang gamot o kung may medikal na kondisyon tulad ng sakit sa bato, colitis at problema sa tiyan. Hindi ito nirerekomenda sa mga buntis at nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».