Oxandrolone

Sandoz Limited | Oxandrolone (Medication)

Desc:

Ang Oxandrolone ay isang steroid na likha ng tao na nahahalintulad sa steroid testosterone. Ginagamit ito upang manumbalik ang timbang ng mga pasyenteng dumanas ng malawakang operasyon, talamak na impeksyon o matinding trauma. Ang Oxandrolone ay ginagamit din upang mapigilan ang pagliit ng kalamanan dulot ng gamot na corticosteroids at para makabawas sa sakit ng buto dulot ng osteoporosis. ...


Side Effect:

Ang pinaka-karaniwang epekto ng Oxandrolone ay ang hirap sa pagtulog. Agad na humingi ng tulong medikal kung makakaranas ng mga matinding epekto sa paggamit ng Oxandrolone tulad ng mga allergic reactions (pantal, pangangati, hirap sa paghinga, paninikip ng dibdib at pamamaga ng labi, dila, bibig o mukha), acne, pagbabago sa sekswal na pagnanasa, pagbabago sa kulay ng balat, pagkalito, madilim na ihi, paglalim ng boses, hindi pangkaraniwang pagtubo ng buhok (facial hair), depresyon, madaling pagtamo ng pasa o pagdudugo, paglapad ng dibdib, pagkasabik, pagdalas ng ereksiyon, pagdalas ng pag-ihi o pagka-uhaw, iregularidad sa pagtibok ng puso, kawalan ng gana sa pagkain, iregularidad sa pagregla, pagbabago ng mentalidad o ng mood, pamumulikat ng kalamnan, pagduduwal o pagsusuka, pananakit ng tiyan, pamamaga ng sakong o kamay, kaibang pagkahapo at paninilaw ng mata o balat. ...


Precaution:

Bago gumamit ng gamot na ito, ipagbigay alam sa iyong doktor kung mayroon kang alerdyi, kung may iniinom na iba pang gamot at kung may medikal na kundisyon tulad ng sakit sa bato, colitis o problema sa tiyan. Sa kakaibang kaso, ang gamutang Oxandrolone ay maaaring humantong sa mga problema sa atay na posibleng maging sanhi ng kamatayan. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».