Oxaprozin
Dr. Reddy Laboratories | Oxaprozin (Medication)
Desc:
Ang Oxaprozin ay kabilang sa mga gamot na nonsteroidal anti-inflammatory medications (NSAIDs), ginagamit upang lunasin ang mga banayad hanggang katamtamang sakit, lagnat at pamamaga sanhi ng osteoarthritis, rheumatoid arthritis at juvenile rheumatoid arthritis sa mga bata edad 6 na taon pataas. Ang Oxaprozin ay de-resetang gamot at iniinom 2 beses isang araw alinsunod sa payo ng doktor. Ang dosis ay batay sa iyong medikal na kondisyon at tugon sa gamutan. Huwag babaguhin ang iyong dosis ng walang pahintulot ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Pangkaraniwang nagdudulot ang Oxaprozin ng pagtatae, paninigas ng dumi, pagsusuka, kabag, pagkahilo, hirap sa pagtulog, pagkalito, depresyon, pagkalula, pananakit ng ulo o pananakit ng tenga. Agad ipaalam sa iyong doktor kung alinman dito ang nagpatuloy o lumala. May iba pang masamang reaksyon ang dulot ng gamot na ito kabilang ang allergic reactions tulad ng pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagbabara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila o mukha, hindi maipaliwanag na paglaki ng timbang, lagnat, paninilaw ng balat at mata, panghihina, pagkahapo, balisang tiyan, kawalan ng gana kumain, pananakit ng itaas na bahagi ng tiyan, sintomas ng trangkaso, maputlang balat, mabilis na tibok ng puso, mabula, maputla at madugong ihi, pananakit ng likod o masakit na pag-ihi. Agarang humingi ng medikal na tulong kung mapansin ang mga sintomas na ito. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong alerdyi, kung gumagamit ng iba pang gamot o kung may medikal na kondisyon tulad ng hika, madalas na pagkakaroon ng sipon, pamamaga ng mga kamay, paa, alakan o binti, o sakit sa atay at bato. Ang Oxaprozin ay nagdudulot ng pagkaantok kung kaya't ipinapayo na iwasan ang pagmamaneho o paggamit ng mga makinarya, at limitahan ang pag-inom ng alak para sa sariling kaligtasan. Hindi ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso ng walang pahintulot ng doktor. ...