Oxiconazole nitrate - topical
Taiho Pharmaceutical | Oxiconazole nitrate - topical (Medication)
Desc:
Ang Oxiconazole ay isang antifungal na gamot na ginagamit upang gamutin ang mga impeksyon sa balat tulad ng alipunga, jock itch at ringworm. Ito ay nasa pormang krim o losyon na kung minsan ay kelangan ng reseta para sa paggamot ng iba pang sakit alinsunod na din sa payo ng doktor. PInapahid ito sa gabi o 2 beses sa isang araw (araw at gabi). Sundin maigi ang tagubilin sa label at itanong sa doktor o parmasyutiko kung mayroong direktiba na hindi masyadong maintindihan. Huwag gumamit ng labis pa sa itinuro ng iyong doktor. Bago ipahid, linisan ang parte na may impeksyon, patuyuin muna, at dahan dahan ipahid ang gamot. Gumamit lamang ng saktong dami sa pagpahid at hugasan ang kamay pagkatapos. ...
Side Effect:
Maaring makaramdam ng pagmanhid, pananakit, pamamaga, pamumula, pagbutlig, paglambot o pagtutuklap ng balat habang ginagamit ang gamot na ito. Kung ang alinman sa nabanggit ang nagpatuloy o lumala, agad na ipagbigay alam sa iyong doktor. Wala naman naiulat na seryosong mga epekto gaya ng mga pagsusugat o mga singaw sa balat, gayundin ang ilan sa mga allergic reactions tulad ng pangangati, pamamaga lalo na sa mukha, dila o lalamunan, matinding pagkahilo at hirap sa paghinga, subalit kung may mapansin man sa mga sintomas na ito ay agad ipagbigay alam sa iyong doktor. ...
Precaution:
Bago gumamit ng oxiconazole, ipagbigay alam sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw ay may alerdyi sa antifungal gaya ng clotrimazole, ketoconazole, o miconazole, o kung may iba pang alerdyi. Ang gamot na ito ay may sangkap na maaaring magdulot ng allergic reactions kung kaya't mas mainam na ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ang anumang medikal na kasaysayan. Hindi din ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso ng walang pahintulot ng iyong doktor. ...