Oxprenolol - oral
Isotec Pharmaceeuticals | Oxprenolol - oral (Medication)
Desc:
Ang Oxprenolol ay kabilang sa mga gamot kung tawagin ay beta-blockers. Ito ay ginagamit kasabay ng mga water pills (diuretics) o ibang gamot para sa mataas ng presyon ng dugo upang tumulong pababain ang presyon ng dugo (hypertension) at maiwasan ang mga pag-atake ng paninikip ng dibdib (angina). ...
Side Effect:
Ang kadalasang epekto ng Oxprenolol ay tulad ng pananakit ng ulo, pagkaantok, pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, kabag o paninigas ng dumi. Kung ang alinman sa nabanggit ang nagpatuloy o lumala, agad na ipagbigay alam sa mga doktor. Ang iba pang masamang epekto ay ang alerdyi (pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagbabara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila o mukha), pagbigat ng timbang, pagkapagod, hirap sa paghinga, pagbabago ng mentalidad o mood, paninikip ng dibdib, iregular na tibok ng puso, pananakit ng tiyan, panlalabo ng paningin, paninilaw ng mata o balat, madilim na ihi, at pagsusugat o pagdudugo. Kung ang alinman sa nabanggit ang lalong lumala o nagpatuloy, agad na humingi ng tulong medikal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay alam sa doktor kung may tinataglay na alerdyi, kung gumagamit ng iba pang gamot, o kung nagkaroon ka ng mga medikal na kondisyon tulad ng sakit sa baga, hika,bronchospasm, o pulmonary hypertension, problema sa puso tulad ng bradycardia, angina, o heart failure, sakit sa atay, problema sa mata, probma sa teroydo o diabetes. Ang Oxprenolol ay posibleng magdulot ng pagkaantok kung kaya't ipinapayo ang pag-iwas sa pagmamaneho at paggawa ng mga mabibigat na makinarya para sa kaligtasan. Hindi ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso ng walang pahintulot ng doktor. ...