Oxymetazoline Nasal Spray

Beximco Pharmaceuticals Ltd | Oxymetazoline Nasal Spray (Medication)

Desc:

Ang Oxymetazoline ay isang agonist decongestant na tumutulong magpakipot ng mga daluyan ng dugo sa loob ng ilong. Ang Oxymetazoline nasal spray ay tumutulong din magpaginhawa ng baradong ilong dulot ng alerdyi, mataas na lagnat, pagkairita ng sinus, at pangkaraniwang sipon. Ginagamit din ito upang makapagpaginhawa ng paninikip at presyon ng sinus. Gamitin ang gamot na ito kada 10 o 12 oras ng hindi hihigit sa 2 beses sa loob ng 24 oras, o alinsunod sa bilin ng iyong doktor. Ang Oxymetazoline nasal spray ay ginagamit lamang para sa ilong kung kaya't huwag itong lulunukin. ...


Side Effect:

Ang karaniwang epekto ng Oxymetazoline Nasal Spray ay ang paghapdi, pangangati, pagdami ng lumalabas na uhog, pagkatuyo ng ilong, pagbahing, pagnerbiyos, pagbilis at pagbagal ng tibok ng puso, pagduduwal, pagkahilo, pananakit ng ulo, at hirap sa pagtulog. Kung mapapansin ang isa sa mga sintomas na ito, agad na humingi ng tulong medikal. Bihira ang mga naiulat na allergic reactions tulad ng pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagbabara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila o mukha, subalit agad na huming ng tulong medikal kung makakaranas ng mga sintomas na ito. ...


Precaution:

Bago gumamit ng gamot na ito, ipagbigay alam sa iyong doktor kung mayroon kang alerdyi, kung may iniinom na iba pang gamot o kung may medikal na kundisyon tulad ng mataas na presyon ng dugo, diabetes, hirap sa pag-ihi dulot ng pamamaga ng prostate gland, sakit sa teroydeo o sakit sa puso. Ang Oxymetazoline ay nakakapagdulot ng antok kung kaya't ipinapayo na iwasan ang pagmamaneho o paggamit ng mga makinarya para sa kaligtasan. Hindi din ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».