Oxymetholone - oral

Alaven Pharmaceuticals | Oxymetholone - oral (Medication)

Desc:

Ang gamot na ito ay isang likhang panlalaking hormon (androgen or anabolic steroid) at ginagamit upang gamutin ang mababang bilang ng red blood cell (anemia). Pinapadami nito ang hormon (erythropoietin) na kasama sa paggawa ng red blood cells. Dahil sa napakadelikadong posibleng epekto nito, hindi dapat ginagamit ang gamot na ito sa pagpapabuti ng lakas ng pagiging atleta o sa pagbabago ng panlabas na anyo. Hindi napapabuti ng Oxymetholone ang kakayahan ng pagiging atleta. Kung gagamitin ito ayon sa tamang direktiba, maliit ang posibleng magiging panganib. Ang gamot na ito ay iniinom. Maaaring kumain o uminom ng gatas kung sakaling magkaroon ng pananakit ng tiyan matapos inumin ito. Inumin ito ng eksakto sa dosis, at huwag baguhin upang hindi magkaroon ng panganib na magtamo ng masamang epekto. Habang gumagamit ng gamot na ito, maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng regular na pagsusuri upang masubaybayan ang bisa ng gamutan. ...


Side Effect:

Bihira subalit maaaring magdulot ng seryosong epekto ang gamot na ito, tulad ng mapanganib na sakit sa atay kasama ang mga kulani, bukol o kawalan ng kakayahan ng atay na gumana. Agad ipaalam sa iyong doktor kung mapapansin ang pagdilim ng ihi, madilaw na mata o balat, matinding pagduduwal/pagsusuka, pananakit ng tiyan o puson at hindi pangkaraniwang pagkapagod. Karagdagan nito, maaari din makaapekto ang gamot na ito sa dami ng iyong kolesterol at magdulot ng sakit sa puso (atherosclerosis) o mga problema sa daluyan ng dugo. ...


Precaution:

Hindi nirerekomenda ang paggamit ng gamot sa mga buntis o nagpapasuso ng walang pahintulot ng iyong doktor. Gumamit ng mabisang birth control at ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay nabuntis habang naggagamutan ng Oxymetholone. Huwag gamitin ang gamot na ito kung ikaw ay hindi hiyang sa Oxymetholone, o kung ikaw ay may kanser sa prosteyt o kanser sa suso (babae o lalaki) na may mataas na calcium sa dugo. Bago gumamit ng Oxymetholone, ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikaw ay may sakit sa atay o bato, sakit sa puso, congestive heart failure, mataas na kolesterol o triglycerides, sakit sa coronary artery, o enlarged prostate. Tawagan agad ang iyong doktor kung ikaw ay nakakaranas ng mga seryosong epekto tulad ng pamamaga, mabilis na pagbigat ng timbang, madalas na pagtayo ng ari ng mga lalaki, pagbabago sa kulay, mga problema sa pag-ihi, senyales ng pagkapinsala ng atay (pagduduwal, pagsusuka, pananakit ng tiyan, kawalan ng gana kumain, at paninilaw ng mata o balat). Ang mga kababaihan na umiinom ng oxymetholone ay maaaring magkaroon ng katangiang panlalaki na maaaring hindi maibalik kung magpapatuloy ang paggamit ng gamot. Agad na tawagan ang iyong doktor kung mapapansin ang pagdami ng acne, pagbabago sa dalaw ng regla, paglalim ng boses, pagtubo ng mga buhok at pagkapanot gaya ng sa mga kalalakihan, paglaki ng clitoris o pagbabago sa gana sa pagtatalik. Upang masiguro na ang oxymetholone ay nakakatulong sa iyong kondisyon at hindi nagdudulot ng pinsala sa iyong atay, kakailanganin ang regular na pagsusuri sa iyong dugo. Huwag makakaligtaan ang bawat nakatakdang pagsusuri. Kadalasan ay umaabot ng 6 na buwan bago maramdaman ang pagbuti ng mga sintomas. Ipaalam sa iyong doktor kung hindi napabuti ang iyong kondisyon matapos ang 3 buwan na gamutan. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».