Oxymorphone
Actavis | Oxymorphone (Medication)
Desc:
Ang Oxymorphone hydrochloride ay ginagamit upang magbigay ginhawa sa banayad hanggang matinding pananakit kung saan ay ang paggamit ng opioid ay kinakailangan. Ang Oxymorphone hydrochloride ay isang semi-synthetic opioid analgesic na binibigay ng 5 mg at 10 mg kada tableta upang ipainom. Ang bisa ng mga tabletas ay depende sa dami ng oxymorphone hydrochloride kada tableta. ...
Side Effect:
May mga epekto ang Oxymorphone hydrochloride subalit madalang lamang. Ang halimbawa ng mga epekto ay ang pananakit ng puson, ileus, pagtatae, pagkabalisa, nalilito, hindi mapalagay, hypersensitivity, mga allergic reactions, bradycardia, depresyon sa central nervous system, lethargy, hindi tugmang pag-iisip, pagod, depresyon, pagsusuka, dehydration, dermatitis, dyspepsia, dysphoria, edema, at iba pa. ...
Precaution:
Ang Oxymorphone hydrochloride ay maaaring maabuso sa pamamagitan ng pagdurog, pagnguya at pagturok ng produkto. Ang ganitong gawain ay maaaring humantong sa pag-abuso at maging sanhi ng overdose at kamatayan. Ang matatanda, mga mahihinang pasyente at mga taong may sakit na hypoxia o hypercapnia ang madalas maapektuhan ng respiratory depression sa pamamagitan ng pagpapakitid ng daanan ng hanging pumapasok sa pulmonary ventillation. Ang madalas na paggamit ng CNS depressants tulad ng opioids, general anesthetics, phenothiazines, iba pang tranquilizers, sedatives, hypnotics, at alkohol na may oxymorphone ay maaaring makapagpataas ng epekto ng depresyon gaya ng hypoventilation, hypotension, profound sedation, coma at kamatayan. ...