Anucort - HC
G & W Laboratories | Anucort - HC (Medication)
Desc:
Ang medikasyong ito ay ginagamit upang gamutin ang mga almuranas at pangangati/pamamaga sa tumbong at pwet. Ito rin ay ginagamit kasama ng ibang mga medikasyon upang gamutin ang ilang mga problema sa bituka (tulad ng ulseratib na kolaitis ng tumbong at ibang mga implamasyong kondisyon sa tumbong/pwet). Ang Anucort-HC ay tumutulong sa pagpapaginhawa ng sakit sa pwet, pangangati, madugong pagtatae, at pagdurugo sa pamamagitan ng pagbabawas sa pamamaga (implamasyon) ng direkta sa sa tumbong at pwet. Ang Anucort-HC ay kasama sa isang klase ng mga gamot na tinatawag na mga kortikosteroyd. ...
Side Effect:
Tanungin ang iyong doktor kung ligtas ba para sa iyo ang paggamit ng gamot na ito kung ikaw ay mayroong: kondyestib na pagpapalya ng puso; kasaysayan ng tuberkulosis; ulser sa tiyan o diverticulitis; colostomy o ileostomy; lagnat o kahit anong uri ng inpeksyon; sakit sa bato; altapresyon; o myasthenia gravis. Sabihin rin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong dyabetis. Ang mga isteroyd na gamot ay maaaring magpataas sa lebel ng glukos (asukal) sa iyong dugo o ihi. ...
Precaution:
Sabihin ang iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay hindi hiyang dito; o sa ibang mga kortikosteroyd (tulad ng prednisone); o kung ikaw ay mayroong kahit anong ibang mga alerhiya. Sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal , lalo ng: ibang mga problema sa tiyan/bituka (tulad ng mga ulser, pagbabara, pagdurugo, inpeksyon, kamakailan lamang na operasyon), mga inpeksyon (tulad ng tuberkulosis, mga inpeksyong sanhi ng halamang-singaw), ilang mga kondisyong sa mata (katarata, glawkoma, herpes na inpeksyon sa mata), mga problema sa puso (tulad ng kondyestib na pagpapalya ng puso, kamakailan lamang na atake sa puso), altapresyon, sakit ng atay, sakit sa bato, mga problema sa teroydeo (sobrang aktibo o sobrang hindi aktibong teroydeo na sakit), dyabetis, kawalan ng buto (osteoporosis), mga problema sa pagdurugo o pamumuo ng dugo, mga kondisyong pangkaisipan/kalooban (tulad ng sikosis, depresyon), mababang lebel ng potasa sa dugo). Limitahan ang pag-inom ng alak habang gumagamit ng medikasyong ito upang mabawasa ang panganib ng pagdurugo sa tiyan/bituka. Madalang, ang paggamit ng mga kortikosteroyd na gamot sa matagal na panahon ay pwedeng gawing mas mahirap para sa iyong katawan ang tumugon sa pisikal na istres. Kaya naman, bago magkaroon ng operasyon o emerhensiyang paggagamot, o kung ikaw ay magkaroong ng seryosong sakit/pinsala, sabihin sa iyong doktor o dentista na ikaw ay gumagamit ng medikasyong ito o gumamit ng medikasyong ito sa nakalipas na ilang buwan. Huwag magkaroon ng imyunisasyon, baksinasyon, o eksam sa balat ng walang pagpayag ng iyong doktor. Iwasang makihalubilo sa mga taong nagkaroon ng kamakailan lamang na live na bakuna (tulad ng bakunang nilalanghap para sa trangkaso). Kahit na hindi malamang, ang medikasyong ito ay maaaring magpabagal sa paglaki ng bata kapag ginamit ng matagal. Ang epekto sa pinal na adultong tangkad ay hindi alam. Magpatingin sa iyong doktor ng regular upang ang tangkad ng iyong anak ay mapasuri. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...