Paliperidone

Janssen Pharmaceutica | Paliperidone (Medication)

Desc:

Ang Paliperidone ay ginagamit upang gamutin ang mga sintomas ng schizophrenia (isang mental na sakit na nagiging sanhi ng nababalisa o hindi pangkaraniwang pagiisip, pagkawalan ng interes sa buhay, at malakas o hindi wastong mga emosyon). Ang Paliperidone ay nasa isang klase na paggamot na tinatawag na atypical antipsychotics. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagbago ng aktibidad ng isang tiyak na natural na mga substansya sa utak. Ang Paliperidone ay dumadating bilang isang pinahabang-pagkawala (matagalang-pagkilos) na tableta na kukunin gamit ang bibig. Kadalasan itong kinukuha isang beses sa umaga may kasamang pagkain o wala. Kunin ang Paliperidone sa saktong oras araw araw. Sundin ang direksyon ng label ng iyong reseta na may pagiingat, at tanungin ang doktor o parmasyutiko na ipaliwanag ang kahit anong parte na hindi mo maintindihan. Kunin ang paliperidone sa kung ano talaga ang sinabi. Huwag kumuha ng mahigit o kulang sa kung ano man ang sinabi saiyo ng doktor. ...


Side Effect:

Kumuha ng agarang tulong medikal kung nagkaroon ka ng alinmang mga senyas na nagkakaroon ka na ng isang reaksong alerydi: pamamantal; nahihirapang huminga; pamamaga sa iyong mukha, labi, dila, o lalamunan. Itigil ang paggamit ng paliperidone at tawagin ang iyong doctor kaagad kapag nagkaroon ka nga mga seryosong mga epekto na ito: Sobrang naninigas (maigting) na kalamnan, mataas na lagnat, pagpapawis, pagkalito, mabilis o hindi pantay na pagtibok ng puso, pakiramdam na baka mahimatay ka; hindi mapakaling paggalaw ng mga kalamnan sa iyong mga mata, dila, panga, o leeg; panginginig (hindi kontroladong panginginig); problema sa paglunok, biglaang pamamanhid o panghihina, lalo na sa isang parte ng katawan; biglaan at matinding pagsakit ng ulo, o mga problema sa paningin, pagsasalita, o balanse; lagnat, ginaw, sakit sa katawan, mga sintomas ng flu; o puting mga tapalan o hapdi sa loob ng iyong bibig o sa iyong labi. Hindi gaanong seryosong mga epekto ay kabilang ang: pamamaga ng suso o pagdidiskarga; pagiba ng regla, konting pagkabalisa, pagkaantok, o panginginig; malabong paningin; pagkahilo o sakit sa ulo; pagdagdag ng timbang; pagduduwal, pagtuyo ng labi, galit na tiyan; o nabawasang pagtatalik, kawalan ng lakas, o nahihirapag labasan. ...


Precaution:

Bago kumuha ng paliperidone sabihin sa iyong doktor at parmasyutiko kung ikaw ay alerdyi sa paliperidone, risperidone o ano pang mga gamot. Ipaalam sa iyong doktor at parmasyutiko kung anong reseta at hindi resetang mga gamot, bitamina, nutritional na suplemento, at produktong herbal ang kinukuha mo o pinaplano mong kunin. Siguraduhing banggitin ang alinman sa sumusunod: antidepressants; ilang mga antibotics gaya ng erythromycin, gatifloxacin, moxifloxacin at sparfloxacin. Sabihin na rin sa iyong doctor kung umiinom ka o nagiinom ka ng malaking halaga ng alak at kung gumagamit ka ng kalyeng droga o gumamit na ng sobrang paggamit ng resetang gamot. Abisuhan ang iyong doktor kaagad kung nagkaroon ka ng mga sumusunod na sintomas habang kumukuha ka ng paliperidone: matinding pagkauhaw, madalas na pagihi, matinding gutom, malabong paningin, o panghihina. Napakaimportanteng tawagan ang iyong doctor sa sandaling magkaroon ka ng mga sintomas na ito, dahil ang mataas na blood sugar ay maaaring maging sanhi ng mas seryoso pang mga epekto, kagaya ng pagtuyo ng bibig, pagduduwal at pagsusuka, pagiksi ng paghinga, paghinga na nangangamoy prutas, o pagkulang sa kamalayan, at maaaring maging banta sa buhay kapag di ito na gamot sa maagang yugto. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inererekomenda na gamitin ang gamot na ito ng walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».