Palonosetron - injection
Vion Pharmaceuticals, Inc. | Palonosetron - injection (Medication)
Desc:
Ang Palonosetron na paturok ay nasa isang klase ng mga gamot na tinatawagang 5-HT3 mga antagonista ng receptor na gumagana sa pamamagitan ng pagharang sa kilos ng serotonin, isang natural na substansya na maaaring maging sanhi ng pagduduwal at pagsusuka. Ang gamot na ito ay ginagamit upang maiwasan ang pagsusuka na maaaring sanhi ng paggamot ng kanser (chemotherapy o radiation). Maari ring itong gamitin para maiwasang ang pagduduwal at pagsusuka pagkatapos maoperahan. Ang Palonosetron ay itinuturok sa isang ugat ng isang propesyonal sa tagapagpangalaga ng kalusugan, karaniwang 30 minuto bago ang chemotherapy o bago ang paglagay ng anesthesia para sa paopera. Kung ang palonosetron ay ginamit para maiwasan ang pagduduwal at pagsusuka sanhi ng pagpaopera, karaniwan itong binibigay bilang isang dosis bago magpapaopera. ...
Side Effect:
Kabilang sa mga kinakailangang mga epekto, Ang paturok na Palonosetron ay maaaring maging sanhi ng mga epekto tulad ng: isang reaksyong alerdyi - pantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga sa labi, dila, o mukha, o pamamantal; lagnat; mabagal o hindi pantay na tulin ng puso, problema sa paghinga; nababalisa, hindi mapakali, panginginig; pakiramdam na magaan ang ulo, pagkahimatay, o pag ihi ng mas konti kaysa sa pangkaraniwan o wala talaga. Kung napansin mo ang anuman sa mga ito, humingi kaagad ng tulong medikal. Hindi masyadong seryoso o karaniwang mga epekto ay: pananakit ng ulo. nahihilo, tibi, nagtatae, gas, nahihirapang umihi, pagkabalisa, nahihinaan, sakit, namumula, o namamaga sa lugar kung saan itinurok. Kung alinman sa mga ito ay nagpapanatili o lumalala, tawagin ang iyong doktor. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang alinmang mga alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang mga gamot, at kapag mayroon kang anumang sakit, lalo na sa problema sa puso. Dahil ang Palonosetron ay makakasanhi ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa sigurado ka nang magagawa mo ang aktibidad na ito ng ligtas. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inererekomenda na gumamit ng gamot na ito ng walang payo ng doktor. ...