Pamidronate - injection
Pfizer | Pamidronate - injection (Medication)
Desc:
Ang Pamidronate ay nabibilang sa isang klase ng gamot na kilala bilang bisphosphonates. Ginagamit ito upang gamuting ang mataas na kaltsyum ng dugo at ilang problema sa mga buto (bone metastases/lesions) na maaaring maging sanhi ng ilang klaseng mga kanser. Ito ay ginagamit rin para gamutin ang ilang tiyak na mga sakit sa buto (Paget's disease) na magiging sanhi ng abnormal at mahinang mga buto. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagbagal ng nilalabas na kaltsyum galing sa buto tungo sa mababang antas ng kaltsyum ng dugo, binabawasan ang panganib ng sirang buto (fractures) at binabawasan ang sakit sa buto. ...
Side Effect:
Isang napaka seryosong reaksyong alerdyi nito ay bihira lamang. Ngunit, kumuha kaagad ng medikal na tulong kapag may napansin kang isang seryosong reaksyong alerdyi, kabilang na ang:pantal, pangangati/pamamaaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, problema sa paghinga. Sabihin kaagad sa iyong doktor kung mayroon kang anumang mga seryosong mga epekto, kabilang na ang:problema sa paghinga, mahapdi sa panga/bibig, sakit sa panga, nadagdag o sobrang sakit sa buto/joint/kalamnan, problema sa mata (gaya ng pamumula/pangangati/pamamaga o sensitibo sa ilaw), etc. Sakit sa buto, pamumula/pamamaga/sakit sa lugar ng itinurok, sakit sa ulo, nahihilo, walang gana kumain, pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, pagkaantok o problema sa pagtulog ay maaaring mangyari. ...
Precaution:
Bago magkaroon ng anumang paopera (lalo na sa pamamaraan sa ngipin), sabihin sa iyong doktor at dentista tungkol sa medikasyong ito at lahat ng iba pang mga produktong ginagamit mo (kasali ang resetang gamot, hindi resetang gamot, at mga produktong herbal). Bago gumamit ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo na ang:kailan lang o plinanong pagpunta sa dentista (gaya ng pagtanggal ng ngipin), parathyroid/teroydeo na paopera, problema sa bato, matinding pagkawala ng tubig sa katawan (dehydration), pagkabigo sa puso. Madalang, ang mga tao ay kumukuha ng klase ng gamot (bisphosphonates) ay nagkaroon ng mga seryosong problema sa panga (osteonecrosis). Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inererekomendang gumamit ng gamot na ito ng walang payo ng iyong doktor. ...