Papaverine - oral

Jazz Pharmaceuticals | Papaverine - oral (Medication)

Desc:

Ang Papaverine ay nasa klase ng gamot na tinatawag na vasodilators. Pinapahibga ng Papaverine ang ugat at arterya, kung saan pinapaluwag ito para mas madaling dumaloy abg dugo. Ang aksyong ito ay nakakatulong para tumaas ang bilang ng mayaman sa oxygen na dugo sa iyong utak, puso, at kalamnan. Ang Papaverine ay nakakatulong din sa paggamot ng mga kondisyon na kinasasangkutan ng spasms sa bituka at urinary tract. ...


Side Effect:

May mga epekto na maaaring mangyari pagkatapos gumamit ng gamot na ito kagaya ng:pagkahilo, pagkaantok, namumula o mainit na mukha (flushing), pagpapawis, sakit sa ulo, o pagkaduwal. Kung alin man sa mga ito ay nananatili o lumalala, sabihan ang iyong doktor o parmasyutiko kaagad. Para bumaba ang mapanganib na seryosong nga epekto, sumunod sa payo ng iyong doktor at panatiliin ang lahat ng mga appointment sa medikal/lab. Sabihan ang iyong doktor agad kung alin man sa mga seryosong mga epekto na ito ay nangyare:mabilis/hindi regular na tibok ng puso, pagkaiba ng paningin (e. g. , malabo/nagdadalawang paningin). Ang Papaverine ay bihirang maka sanhi ng malubhang sakit sa atay. Sabihan agad ang iyong doktor kung may nakuha kang simtomas ng sakit sa atay, kasama ang palaging pagduduwal, tiyan/sakit sa puson, madilim na ihi, pagkadilaw ng mata at balat. Ang napaka seryosong reaksyon ng alerdyi sa gamot na ito ay bihira lamang. ...


Precaution:

Gumamit ng matinding pagiingat sa pagmamaneho, pag opera ng mga makinarya, o paggawa ng iba pang delikadong gawain. Ang Papaverine ay maaaring maging sanhi ng pagkahilo. Kung may napansin kang pagkahilo, dahan dahang bumangon mula sa pagupo o paghigang posisyon para maiwasang mahulog. Maingat na gumamit ng alak. Nakakataas ng pagkaantok at pagkahilo ang alak habang gumagamit ng papaverine. Ipaalam sa doktor kung may nararanasan ka lalo na kung ito ay pagpapawis, pamamantal, pamumula, sakit sa ulo, pagkapagod, pagdidilaw bg balat, pagduduwal, pagkawala bg gana ng pagkain, pagtatae, o konstipasyon. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».