Paramethadione - oral

Abbott Laboratories | Paramethadione - oral (Medication)

Desc:

Ang Paramethadione ay isang anticonvulsant na kabilang sa isang klase ng mga gamot na tinatawag na oxazolidinediones. Ito ay isang pang seizure na paggamot na ginagamit upang makontrol ang abscence seizures. Ang Paramethadione ay isang pang oral na paggamit at dapat kinukuha gamit ang bibig, kasama ang isang buong baso ng tubig, mayroon man o walang pagkain, tulad ng patnubay ng iyong doktor. Ang dosis ay batay sa iyong kondisyong medikal at tugon sa paggamot. Huwag dagdagan ang dosis o ang kadalasan nang walang payo ng iyong doktor. ...


Side Effect:

Kabilang sa mga kinakailangang mga epekto nito, ang Paramethadione ay maaaring maging sanhi ng matinding mga epekto gaya ng:isang reaksyong ng alerdyi - pantal, pangangati, hirap huminga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pamamantal; isang rash; paglala ng mga seizure; panghahapdi sa lalamunan o lagnat; pagiba ng iyong paningin; madali o hindi pangkaraniwang pagdurugo o pasa; pagdurugo sa ilong; malabong paningin, lagnat mahapding lalamunan, malamya, pantal sa balat, o matinding pagkaantok o pagkahilo. Kung nabakas mo ang anuman sa mga ito humingi kaagad ng medikal na atensyon, ang mga mas madalas at hindi gaanong seryosong mga epekto ay kabilang ang:konting pagkahilo, mahirap na koordinasyon, o inaantok; malabo o dobleng paningin, o hindi regular na pabali-balik na paggalaw ng mga mata; pagbawas ng ganang kumain, pagsakit ng tiyan, walang ganang kumain, sakit sa ulo, madaling mairita o sobrang pagkapagod, pagduduwal, o pagsusuka; o pagdagdag ng pagkasensitibo sa iyong balat sa araw. Kung alinman sa mga ito ay nagpipilit o lumalala, tawagin ang iyong doktor. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang mga alerhiya. Ipaalam sa iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang mga gamot at kapag mayroon ka o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyion:sakit sa atay, sakit sa bato, retinal o optic nerve (mata) na sakit, isang sakit sa dugo o sa bone marrow, o acute intermittent porphyria. Dahil ang Paramethadione ay maaaring maging sanhi ng panghihilo o pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mga mabibigat na makinarya hanggang sa sigurado ka ng magagawa mo ito ng ligtas. Ang Paramethadione ay maaaring makadagdag ng pagiging sensitibo mo sa araw, kaya iwasan ang matagal na pagkalantad sa araw, sunbaths at magsout ng mga pamproteksyong suncream at damit kapag nasa labas. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inererekumenda na gamitin ang gamot na ito ng walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».