Pavabid
Sanofi-Aventis | Pavabid (Medication)
Desc:
Ang Pavabid /papapverine ay ginagamit para mapataas ang dami ng daloy ng dugo sa buong katawan, kabilang na sa puso at utak. Ito ay isang vasodilator. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagpapahinga ng mga kalamnan ng mga daluyan ng dugo. Ang Pavabid /papaverine ay isa ring antiarrhythmic na uri ng gamot para sa paggamot ng ilang mga abnormal na tibok ng puso (ventricular arrhythmia). Gumagana ito sa pamamagitan ng pagbalakid sa hindi normal na aktibidad ng kuryente sa puso upang makabalik ang isang normal na tibok ng puso. Ito ay tumutulong din para mas mapabuti ang pagtaas ng dami ng daloy ng dugo sa puso. ...
Side Effect:
Ang pagkahilo, pagkaantok, pag-iinit /pamunula ng mukha (flushing), pagpapawis, sakit ng ulo, o pagduduwal ay maaaring mangyari. Kung ang alinman sa mga epektong ito ay mananatili o lumala, sabihin kaagad sa iyong doktor o parmasyutiko. Sabihin agad sa iyong doktor kung anuman sa mga hindi malamang ngunit malubhang epekto na nangyari: mabilis /hindi regular na tibok ng puso, pagbabago sa paningin (malabo /dobleng paningin). Ang Pavabid ay bihirang sanhi ng malubhang sakit sa atay. Sabihin agad sa iyong doktor kung nagkakaroon ka ng mga sintomas ng sakit sa atay, kabilang ang patuloy na pagduduwal, sakit ng tiyan /sikmura, maitim na ihi, paninilaw ng mga mata /balat. Humingi ng agarang atensyong medikal kung nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng isang seryosong reaksyong alerdyi ay maaaring kasama: pantal, pangangati /pamamaga (lalo na sa mukha /dila /lalamunan), matinding pagkahilo, problema sa paghinga. ...
Precaution:
Mag-ingat kapag nagmamaneho, gumagamit ng mga makinarya, o gumagawa ng mga mapanganib na mga aktibidad. Ang Pavabid ay maaaring maging sanhi ng pagkahilo. Kung nakakaranas ka ng pagkahilo, iwasan ang mga aktibidad na ito. Kung nakakaranas ka ng pagkahilo, tumayo ng dahan-dahan mula sa isang posisyon ng pagkakaupo o pagkahiga upang maiwasan ang pagkahulog. Maingat na gumamit ng alkohol. Ang alkohol ay maaaring dagdagan ang antok at pagkahilo habang gumagamit ka ng papaverine. Sabihan ang iyong doktor kung nakakaranas ka ng nakakaabala na pagpapawis, pantal, pamumula, sakit ng ulo, pagkapagod, paninilaw ng iyong mata at balat, pagduwal, kawalan ng gana sa pagkain, pagtatae, o paninigas ng dumi. ...