Aprepitant

Merck & Co. | Aprepitant (Medication)

Desc:

Ang Aprepitant ay humaharang sa mga aksyon ng kemikal sa katawan na gumaganyak sa pagduduwal at pagsusuka. Ang Aprepitant ay ginagamit kasama ng ibang mga medikasyon upang tumulong sa pagpipigil ng pagduduwal at pagsusukang sanhi ng paggagamot sa kanser (kemoterapiya). Ang medikasyong ito ay ginagamit rin upang pigilan ang pagduduwal at pagsusuka pagkatapos ng operasyon. Ang Aprepitant ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpigil sa isa sa mga natural na substansya na nagsasanhi ng pagsusuka. Ang medikasyong ito ay hindi manggagamot sa pagduduwal o pagsusuka na mayroon ka. Kontakin ang iyong doktor para sa mga susunod na instruksyon kung ikaw ay nakararanas ng pagduduwal o pagsusuka. ...


Side Effect:

Ang mga epekto ng gamot na ito ay may kasamang: pagkapagod at sinok ay maaaring mangyari. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ng maagap. Maraming taong gumagamit ng medikasyong ito ang walang seryosong epekto. Ang napakaseryosong epekto sa gamot na ito ay madalang. Ngunit, humingi ng agarang atensyong medikal kung iaw ay may mapansing alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Huwag gagamit ng aprepitant kung ikaw ay gumagamit ng alinman sa mga sumusunod na gamot :cisapride (Propulsid) o pimozide (Orap). Ang mga gamot na ito ay maaaring magsanhing banta sa buhay na mga interaksyon kapag ginamit kasabay ng aprepitant. Kung ikaw ay may sakit sa atay, maaaring kailanganin baguhin ang iyong dosis ng aprepitant o magkaroon ng mga espesyal na eksam. Ang Aprepitant ay pwedeng gawing hindi masyadong epektibo ang mga tabletang pangontrol ng pag-aanak, nagriresulta sa pagkabuntis. Ang epektong ito ay pwedeng tumagal hanggang 28 araw pagkatapos ng iyong huling dosis ng gamot na ito. Tanungin ang iyong doktor tungkol sa mga paraang pangontrol sap ag-aanak na hindi hormon (tulad ng kondom, diaphragm, spermicide) upang pigilan ang pagbubuntis habang gumagamit ng Aprepitant at para sa 1 buwan man lamang hanggang ang iyong paggagamot ay matapos. Mayroong maraming ibang gamot na pwedeng makisalamuha ang Aprepitant. Sabihin sa iyong doktor ang tungkol sa lahat ng medikasyong iyong ginagamit. Kasama dito ang may reseta, walang reseta, bitamina, at mga produktong erbal. Huwag magsisimula ng bagong medikasyong hindi sinasabi sa iyong doktor. Magtabi ng listahan ng lahat ng iyong gamot at ipakita ito sa iyong tagapagbigay ng alagang pangkalusugan na gumagamot sa iyo.

...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».