Arava

Sanofi-Aventis | Arava (Medication)

Desc:

Ang Arava/leflunomide ay ginagamit upang bawasan ang mga senyales/sintomas ng aktibong rheumatoid na rayuma, binabawalan ang mga pinsalang istruktural, at pabutihin ang pisikal na paggawa. Ito ay maaaring gamitin kasama ng aspirin, NSAIDs, at/o mababang dosis ng mga kortikosteroyd. Ang medikasyong ito ay ginagamit upang gamutin ang rayuma, isang kondisyong kung saan ang sistemang depensa ng katawan (sistemang kaligtasan sa sakit) ay magpalyang kilalanin ang katawan at atakihin ang mga malulusog na tisyung nakapalibot sa mga kasu-kasuan. Ang Arava ay tumutulong sa mga pinsala/sakit/pamamaga ng kasu-kasuan at tinutulungang kang gumalaw ng mas maayos. Ito ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpapahina ng iyong sistemang kaligtasan sa sakit at nagbabawas ng pamamaga (implamasyon). ...


Side Effect:

Ang pagtatae, pagduduwal, at pagkahilo ay maaaring mangyari. Kung alinman sa mga itong tumagal o lumala, sabihin ng maagap sa iyong doktor o parmaseutiko. Ang mga hindi malamang ngunit seryosong epekto ay nangyayari, tulad ng: ubo, pamamanhid/pagtusok-tusok ng mga kamay/paa, paglalagas ng buhok, sakit ng dibdib, mabilis/kumakabog na tibok ng puso, tumaas na pagkauhaw/pag-ihi, pulikat/sakit ng kalamnan, mga pagbabago sa kaisipan/kalooban, mga pagbabago sa paningin. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga madalang ngunit napakaseryosong epekto ang mangyari: madalang pagpapasa/pagdurugo, hindi pangkaraniwang pagtubo/bukol, mga namamagang glandula (lymph nodes), hindi maipaliwanag na pagbawas ng timbang, hindi pangkaraniwang pagkapagod. Ang medikasyong ito ay pwedeng magpapaba sa kakayahan ng katawang labanan ang inpeksyon. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may mabuong kahit anong senyales ng inpeksyon tulad ng lagnat, ginaw, o tumatagal na pamamaga ng lalamunan. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang Arava, sabihin sa iyong tagapagbigay ng alagang pangkalusugan kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: karamdaman sa sistemang kaligtasan sa sakit (halimbawa, inpeksyon ng HIV), pangkasalukuyan/kamakailan lamang ng inpeksyon (halimbawa, tuberkulosis), kanser, karamdaman sa utak ng buto/dugo, sakit sa bato, sakit sa atay (halimbawa, hepataitis B o C), abuso sa alak, sakit sa puso (halimbawa, kondyestib na pagpapalya ng puso), sakit sa baga. Ang gamot na ito ay maaaring gawin kang nahihilo. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap o malinaw na paningin hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Iwasan ang alak dahil ang mga ito ay pwedeng gawin kang nahihilo at nagsasanhi rin ng sakit sa atay. huwag magkakaroon ng imyunisasyon/baksinasyon ng walang pagpayag ng iyong doktor, at iwasan ang kontak kasama ng mga taong nagkaroon ng kamakailan lamang na bakunang pambibig sa polyo o bakunang nilalanghap gamit ang ilong sa trangkaso. Dahil ang medikasyong ito ay pwedeng magpataas sa iyong panganib ng pagkakaroon ng mga seryosong inpeksyon, hugasan ng mabuti ang iyong mga kamay upang pigilan ang pagkalat ng mga inpeksyon. Iwasan ang kontak sa mga taong mayroong nakahahawang sakit (halimbawa, trangkaso, bulutong). Ang medikasyong ito ay hindi dapat gamitin habang nagbubuntis. Ito ay maaaring makasama sa hindi pa naisisilang na sanggol. Bago simulan ang medikasyong ito, ang babaeng nasa edad ng pagbubuntis ay dapat na magkaroon ng negatibong resulta sa pagbubuntis. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».