Argesic - SA
Economed Pharmaceuticals | Argesic - SA (Medication)
Desc:
Ang Argesic-SA/salsalate, na isang nonsteroidal antiinflammatory drug (NSAID) na ginagamit para sa paggagamot ng lagnat, sakit, at implamasyon sa katawan. Ito ay isang gamot na nirireseta lamang ata dapat na inumin gamit ang bibig, 2 hanggang 3 beses sa isang araw, kasama ng isang basong tubig, ng eksaktong gaya ng dinirekta ng iyong doktor. Ang dosis ay nakabases sa iyong kondisyong medikal at pagtugon sa terapiya. Huwag hihiga sa loob ng 10 minuto man lamang pagkatapos inumin ang gamot. ...
Side Effect:
Ang mga karaniwang epekto ay may kasamang pag-iiba ng tiyan, pagkahilo, o pagduduwal; kung ang mga ito ay tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang ibang higit na seryosong epekto, na nangangailangan ng agarang alagang medikal ay ang mga sumusunod: napakatinding reaksyong alerdyi, sakit ng tiyan, pangangasim ng sikmura, pamamaga ng bukong-bukong, paa o mga kamay, bigla o hindi maipaliwanag na pagbigat, pagbabago sa pandinig tulad ng pagtunog sa tainga at bumabang pandinig, ihing madilim ang kulay, paninilaw ng mata at/o balat, hindi pangkaraniwan o matinding pagkapagod. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang dito, sa ibang mga gamot o may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato, sakit sa atay, hindi maayos na nakukontrol na dyabetis, mga problema sa tiyan/bituka/lalamuna, sakit sa puso tulad ng kondyestib na pagpapalya ng puso, kasaysayan ng atake sa puso, altapresyon, atakeng serebral, pamamaga ng mga bukong-bukong/paa/kamay, matinding dehaydrasyon, karamdaman sa dugo tulad ng anemya, mga problema sa pagdurugo/pamumuo ng dugo, hika, pang-ilong na polips, o ilang henetikong kondisyon. Dahil ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Ang gamot na ito ay maaaring magsanhi ng pagdurugo, kaya naman mahalagang limitahana ng pag-inom ng alak at paggamit ng tabako. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...