Propranolol Oral

Mylan Laboratories | Propranolol Oral (Medication)

Desc:

Ang Propranolol ay isang gamot na ginagamit sa maraming mga kondisyon - isang halimbawa ay paggamot ng pagkabalisa. Ang Propranolol hydrochloride ay humahadlang sa mga epekto ng ilang mga kemikal sa katawan. Maaari itong magamit upang mabawasan ang pagtibok ng puso, para matulungan ang pagtibok ng puso nang mas regular, upang mabawasan ang gawain ng puso at mabawasan ang presyon ng dugo. Maari rin nitong bawasan ang dalas at pagkalubh ng angina attacks. Ang Propanolol hydrochloride ay maari rin na tumulong upang mapababa ang ilan sa mga sintomas ng pagkabalisa at stress katulad ng mabilis na tibok ng puso o pagpapawis. Ito ay ginagamit rin upang maiwasan ang migraines

...


Side Effect:

Kumuha ng agarang tulong medikal kung ikaw ay mayroon na alinman sa mga palatandaan ng isa reaksyong alerdyi:makating pantal, hirap sa paghinga: pamamaga ng iyong mukha, labi , dila o lalamunan. Ipagbigay-alam sa iyong doktor kung mayroon kang alinman sa mga seryosong masamang epekto: mabilis, mabagal o hindi pantay ma pagtibok ng puso; pakiramdam ng paggaan ng ulo, pagkahimatay; pakiramdam ng igsi sa paghinga , kahit na may bahagyang pagsusumikap; pamamaga ng iyong bukong-bukong o paa; lagnat, namamagang lalamunan, at sakit ng ulo na may kasamang pamamaltos, pagbabalat, namumulang pantal sa balat; pagduwal, sakit sa tiyan, mababang lagnat, kawalan ng gana sa pagkain, madilim na kulay ng ihi, dumi na kulay putik, jaundice (paninilaw ng balat at mata); depresyon, pagkalito, guni-guni o malamig na pakiramdam sa iyong kamay at paa. Ang hindi gaanong seryoso na masamang epekto ay maaring kabilangan ng:pagduwal, pagtatae, matigas na pagdumi, paninigas ng tiya, kabawasan sa sekswal na pagnanasa, kawalan ng lakas, o hirap sa pagkakaroon ng orgasm, problema sa pagtulog (insomnia); o pagod na pakiramdam. ...


Precaution:

Bago gumamit ng gamot na ito ipagbigay-alam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagkaroon ka ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato, colitis, o mga problema sa tiyan. Ang Propranolol hydrochloride ay hindi angkop para sa lahat at ang ilan sa mga tao ay hindi dapat gumamit nito. Dapat gamitin lamang ito ng ibang tao nang may espesyal na pangangalaga. Mahalagang malaman ng taong nagreseta ng gamot na ito ang iyong kasaysayang medikal. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».