Propylthiouracil
Abbott Laboratories | Propylthiouracil (Medication)
Desc:
Ang Propylthiouracil (PTU) ay isang gamot na iniinom na ginagamit upang patnubayan ang hyperthyroidism na dulot ng sobranag aktibong thyroid gland. Ito ay isang anti-thyroid na gamot na may mekanismo na aksyon na katulad ng methimazole. Ang Graves' disease ay ang pinaka-karaniwan na sanhi ng hyperthyroidism. Ito ay isang sakit na autoimmune kung saan ang isang tao ay gumagawa ng antibodies sa teroydeo na nagpapasigla sa hormone receptor sa mga selula ng thyroid gland at ma-trigger ang sobrang paggawa ng hormon ng teroydeo mula sa mga selula. ...
Side Effect:
Ang pinaka-karaniwan na masamang epekto ay may kaugnayan sa balat at kinabibilangan ng pantal, pangangati, hindi normal na pagkalagas ng buhok, at pagkulay ng balat. Ang iba pang mga karaniwan na epekto ay pamamaga, pagduwal, pagsusuka, heartburn, kawalan ng panlasa, pananakit ng kasukasuan o kalamnan, pagkamanhind at sakit ng ulo. Ang hindi gaano ngunit seryosong masamang epekto ay nangyari kasama ang PTU therapy. A pagbaba ng white blood cells sa dugo (agranulocytosis) ay maaring mangyari, Ang sintomas at palatandaan ng agranulocytosis ay kinabibilangan ng impeksyon sa sugat ng lalamunan, ang gastrointestinal tract at ang balat na may pangkalahatan na pakiramdam ng sakit at lagnat. Ang pagbaba sa mga platelets sa dugo (thrombocytopenia) ay maari rin mangyari. Dahil ang platelets ay importante para sa pamumuo ng dugo, ang thrombocytopenia ay maaring humantong sa labis na pagdugo. Ang malubhang pinsala sa atay at acute liver failure, sa ilang kaso ay nakakamatatay, at maty kaugnayan sa PTU. Ang ilan sa mga nakatatanda at pasyente ng pedriyatiko ay nangangailangan ng liver transplantation. ...
Precaution:
Bago uminom ng propylthiouracil, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw ay nakakaranas ng alerdyi dito; o kung ikaw ay may iba pang mga alerdyi. Ang produkto ay maaring maglaman ng hindi aktibong sangkap, na maaring magdulot ng reaksyong alerdyi o iba pang problema. Bago gumamit ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo na:sakit sa dugo (such as agranulocytosis, thrombocytopenia), sakit sa atay. Bago magkaroon ng operasyon, sabihin sa iyong doktor o dentista ang tungkol sa lahat ng produkto na iyong ginagamit (kabilang ang de-resetang gamot, hindi niresetang gamot, at produktong herbal). Ang gamot ay dapat na gamitin lamang kung malinaw na kinakailangan sa unang 3 buwan ng pagbubuntis. Ito ay hindi inirerekomenda na gamitin para sa huling 6 na buwan ng pagbubuntis. Talakayin ang mga peligro at benepisyo sa iyong doktor. Kung ikaw ay nagplaplano ng pagbubuntis, o maging buntis, o kaisipan na ikaw ay buntis, ay makipag-ugnayan agad sa iyong doktor. Ang gamot ay naipapasa sa gatas ng ina, gayunpaman kumonsulta sa iyong doktor bago magpasuso.
...