Protriptyline
Teva Pharmaceutical Industries | Protriptyline (Medication)
Desc:
Ang Protriptyline ay nabibilang sa mga pangkat ng gamot na tinatawag na tricyclic antidepressants na umaapekto sa balanse ng mga tinatawag na neurotransmitters sa utak na tumutulong sa pagbalanse ng pag-iisip. Ang gamot na ito ay ginagamit sa paggagamot ng depresyon at ADHD. Paminsan-minsan ginagamit ang gamot na ito sa narcolepsy upang makamtan ang pagiging gising na siyang epekto nito. ...
Side Effect:
Ang pinaka-karaniwang epekto ng Protriptyline ay maaaring magdulot ng mga sumusunod: pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, pagkawalang gana kumain, pagbabago ng timbang, kakaibang lasa sa iyong bibig, pananakit ng tiyan o pamumulikat, heartburn, panunuyo ng bibig, hirap sa pagdumi, pagkaantok, pagkahilo, pagkakaroon ng mga bangungot, pananakit ng ulo, madalas na pag-ihi, lalo na sa gabi, hirap sa pag-ihi, malaking mga pupila ng mata, pagkawala ng libido o abilidad sa pagtatalik, paglaki ng mga suso sa lalake at babae, pagkabalisa, mga ugong sa tenga, pagkalagas ng buhok, pamumula, pagpapawis, maitim na dila. Kung ang mga nasabing mga epekto ay manatili o maging malubha, tawagan ang iyong doktor. Ang iba pang matinding mga reaksyon ay ang mga sumusunod: alerdyi--pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, paninikip ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila o mukha; paulit-ulit na heartburn, pagbabago ng pag-iisip o saloobin gaya ng pagkabahala, pagkabalisa, o pagkalito, panginginig, tila-maskarang mga ekspresyon ng mukha, pamumulikat ng kalamnan, matinding sakit ng tiyan o sikmura, pagbaba ng libido, pagalki at pananakit ng suso, matinding pagkahilo, mabilis at hindi regular na tibok ng puso, pagka-himatay, o sisyur. Kung iyong mapapansin ang mga ito ay agad humanap ng atensyong medikal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito ay ipaalam sa iyong doktor kung ikaw mayroon ng anumang uri ng alerdyi. Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: problema sa paghinga, problema sa atay, atake sa puso kamakailan lamang, problema sa pag-ihi, hyperthyroidism, glaucoma, personal o pampamilyang kasaysayan ng mga kondisyon sa utak o kalooban tulad ng sakit na bipolar, o sikosis, kasayasayan sa pamilya ng pagpapakamatay, sisyu, mga kondisyon na maaaring magpataas ng panganib na magkaroon ng sisyur kagaya ng sakit sa utak, widrowal sa alak. Sapagkat ang Protriptyline ay maaaring magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmamaneho o gagamit ng mabibigat na makinarya hanggat ikaw ay nakasisiguro na ligtas na ipagpatuloy ang mga nasabing aktibidad ng ligtas. Iwasan din ang pag-inom ng alak. Ang gamot na ito ay hindi pinapayo na gamitin habang nagbubuntis o nagpapasuso ng walang pagsangguni sa doktor. ...